andreato

Andrea, umaming fan ni Lloydie

June 2, 2021 People's Tonight 188 views

John LloydMALAKING karangalan kay Andrea Torres na makakapareha si John Lloyd Cruz kung matutuloy ang balitang magsasama sila sa isang sitcom ng award-wiining actor.

“Nagulat and siyempre natuwa kasi he’s a brilliant actor and fan din niya ako,” reaksyon ni Andrea sa balitang lumabas sa 24 Oras.

Saad pa ng Kapuso actress, lagi raw niyang nababanggit sa interviews niya na isa si Lloydie sa aktor na gusto niyang makatrabaho.

“Fan din niya ako. So if ever, malaking honor ’yun for me,” pahayag niya.

Pero malamang na tapusin muna ni Andrea ang bago niyang series na The Legal Wives bago sumalang sa sitcom nila ni JLC na wala pang kumpirmasyon as of writing.

PAGBABALIK-TELEBISYON NI HERBERT, KASADO NA

KASADO na ang pagbabalik sa telebisyon ni former Quezon City Mayor Herbert Bautista sa series na Puto.

Eh, ang maganda nito, parang hindi na ito sa VivaMax ipalalabas kundi sa free TV.

Sa isang post ni Herbert sa Facebook, ibinahagi niya ang TV trailer ng Puto. Kasama niya sa series si McCoy de Leon bilang si Uno.

Sa post naman ng Viva Entertainment, coming soon ang Puto sa TV5.

Ang Puto ay isa sa blockbuster movies ni Bistek sa isa sa mga nakaraang Metro Manila Film Festival bilang si Ivanhoe.

Anyway, kamakailan ay nabakunahan na si Herbert laban sa COVID-19. Ni Jun Nardo

AUTHOR PROFILE