lizadino

Pagtakbo sa 2022 elections, itinanggi ni Chair Liza

June 2, 2021 Vinia Vivar 209 views

Once and for all ay nagbigay na ng statement si Film Development Council of the Philippines Chairperson Liza Diño-Seguerra tungkol sa napapabalitang pagtakbo niya sa 2022 elections.

“Saan kaya nanggagaling ‘yan? I am not running,” pahayag ni Chair Liza sa ginanap na virtual media conference ng Pelikulaya Film Festival last June 1 in celebration of June Pride Month.

“Actually, my main concern is how to make sure that the programs we started will still continue after the elections. Magaganda naman at proud ako sa nagawa at nasimulan namin the last five years.

“Alam ng team namin how hard we worked for it. Ang goal namin is to institutionalize some of our programs that can support the FDCP in the future. Sana maalagaan lang,” dagdag pa niya.

“It’s enough that I learned a lot and received a lot of support at the FDCP,” she said.

Samantala, bilang selebrasyon sa Pride Month this month, FDCP will hold the 2nd PelikuLAYA: LGBTQIA+ Film Festival online from June 4 to 30.

With the theme Sama-Sama, Lahat Rarampa!, this year’s PelikuLAYA aims to further empower the members of the LGBTQIA+ community through a lineup of local and international films, film talks and lectures, a drag yoga event, and musical performances.

Beginning June 4, a total of 23 subscription films can be viewed for only P99 on the FDCP Channel (fdcpchannel.ph), including the seven PelikuLAYA titles that are available until June 30: Masahista by Brillante Mendoza, I Love You. Thank You by Charliebebs Gohetia, Mga Gabing Kasing Haba ng Hair Ko by Gerardo Calagui, Miss Bulalacao by Ara Chawdhury, Ang Huling Cha-Cha Ni Anita by Sigrid Andrea P. Bernardo, Best. Partee. Ever. by HF Yambao and Ned’s Project by Lem Lorca.

“The Film Development Council of the Philippines is relaunching PelikuLAYA this year as an annual LGBTQIA+ film festival organized by the national government as our way to express our continued support for gender equality and inclusivity by creating platforms to bring to light the struggles, celebrate the achievements, and champion the causes of the LGBTQIA+ community,” pahayag ni Chair Liza.

KAPAMILYA STARS, NAGNINGNING SA ‘FEEL GOOD PILIPINAS’

Kaya nating magsilbing liwanag sa ating kapwa at sa mundo sa kabila ng pandemya.

Ito ang napapanahong mensaheng hatid ng “Feel Good Pilipinas” Special ID ng ABS-CBN na unang ipinalabas noong Mayo 30 sa iba-ibang platforms ng ABS-CBN.

Tampok sa Special ID ang sari-saring kwento ng mga Pilipinong patuloy na lumalaban, nagmamahal sa pamilya at kapwa, at inaabot ang pangarap maski panahon ng krisis.

Kasama nilang naghahatid ng inspirasyon at good vibes ang nagniningning na Kapamilya stars mula sa iba-ibang programa ng ABS-CBN tulad ng ASAP Natin ‘To, FPJ’s Ang Probinsyano, G Diaries, He’s Into Her, Huwag Kang Mangamba, Iba ‘Yan!, Init sa Magdamag, It’s Showtime, Magandang Buhay, Paano Kita Mapasasalamatan, Your Face Sounds Familiar Season 3, Aja! Aja! Tayo sa Jeju, Real Talk: The Heart of the Matter at We Rise Together, kasama ang TV Patrol at TeleRadyo anchors at MOR Entertainment MORkada.

Naroon din ang mga bituin mula sa mga programang sinubaybayan ng mga manonood tulad ng Ang Sa Iyo Ay Akin, Bagong Umaga, PBB Connect at Walang Hanggang Paalam at mga inaabangang palabas gaya ng La Vida Lena, Marry Me, Marry You at The Broken Marriage Vow.

Una nang naghatid ng liwanag at ligaya ang Feel Good Pilipinas noong Mayo 16 sa paglunsad ng dance video at dance challenge na layuning magpaindak sa mga Pilipino at gawing makulay ang mga araw habang nananatiling nasa loob ng bahay ang lahat.

Kabilang sa mga nakisayaw ang isang grupo ng delivery riders, mga empleyado at marami pang Kapamilya sa bansa at buong mundo.

Sina KZ Tandingan, Mikki Claver, JL Toreliza, Akira Morishita, Nate Porcalla at Gelo Rivera ng P-pop sensation na BGYO ang umawit sa Feel Good Pilipinas.

Sina Lawrence Arvin Sibug at Robert Labayen ng ABS-CBN Creative Communication Management (CCM) division naman ang sumulat ng lyrics nito habang sina Thyro Alfaro at Francis Salazar ang gumawa ng musika. Likha naman ni Mickey Perz ang galawan sa dance challenge.

AUTHOR PROFILE