Sandro

Anak ni Nino, nahirapang pumasok sa GMA

October 4, 2021 Vinia Vivar 356 views

Isa ang anak ni Niño Muhlach na si Sandro Muhlach sa bagong talents ng GMA-7 na pumirma ng kontrata sa GMA Artist Center via Signed for Stardom contract signing event kamakailan.

Aminado ang newbie na may pressure talaga sa kanya ang pagiging Muhlach dahil nga hindi rin matatawaran ang tagumpay na nakamit ng kanyang ama sa industriya bukod pa nga sa mga artista rin ang kanyang mga tito at tita.

“Halos lahat kasi ng family ko ay nasa showbiz – Aga Muhlach, Arlene Muhlach, Almira Muhlach, Niño Muhlach, dad ko, oh my God. Idine-differentiate ko ‘yung sarili ko sa kanila. That’s why I’m just doing my best as an actor,” ani Sandro sa Signed for Stardom virtual mediacon.

At kung inaakala raw ng lahat na nakapasok siya sa GMA-7 because of his dad ay nagkakamali raw ang mga ito dahil pinaghirapan niya talaga ito.

“Nag-audition talaga ako sa GMA. Actually eight months akong nag-audition bago natanggap. Pasa ako nang pasa ng mga audition video.

Hirap na hirap akong makapasok,” kwento ni Sandro.

Nang finally ay nakatanggap daw siya ng mensahe mula sa GMAAC na pasok na siya, napaiyak daw siya talaga.

“Dahil pinagdasal ko talaga siya, umiyak talaga ako,” he said.

Kaya nasasaktan daw siya sa mga komento na kaya lang siya naging artista ay dahil sa kanyang ama.

“Hindi porke’t anak ka ng artista, madali kang makakapasok, no. Nag-audition talaga ako. Kaya nahe-hurt ako sa mga sinasabi ng mga tao na nakapasok ako dahil anaka ng artista. Hindi ganu’n,” aniya.

Sa naturang Signed for Stardom event, pumirma rin ng kontrata ang iba pang showbiz royalties na sina Alexandra Yap na anak ni Melissa Mendez, Lala Vinzon na anak ni Roi Vinzon, magkapatid na Tanya Ramos and Saviour Ramos na anak ni Wendell Ramos at Brianna na anak naman ni Michael V.

Ang iba pang pumirma ay sina Hannah Arguelles, Kirsten Gonzales, Ashley Alcayde, Gab Yabut, Shanelle Agustin, Matt Lozano, Coleen Paz, Jeff Moses, Sheemme Buenaobra, Levince Sotto, Lime Aranya, Carlo San Juan, Gabrielle Hahn at Seb Pajarillo.

AUTHOR PROFILE