Julia & Gerald

Julia, saludo sa kasipagan ni Gerald

October 4, 2021 Vinia Vivar 319 views

Proud na proud si Julia Barretto sa boyfriend na si Gerald Anderson sa bagong gym nito na “The Th3rd Floor Park.”

Tapos na tapos na ang nasabing gym at naglabas na nga si Gerald ng tour vlog sa kanyang YouTube channel kung saan ay ipinakita niya ang kabuuan ng establishment.

Siyempre, suportadung-suportado ni Julia ang bagong endeavor ng BF.

Sa kanyang Instagram Story ay ipinost ni Julia ang larawan ni Gerald na nasa gym at pinuri niya ang nobyo sa pagiging masipag nito.

“Always turning your visions into reality. You are the most driven, hardworking person I know and I am inspired by you everyday.

Congratulations on @theth3rdfloor Park,” mensahe ni Julia kay Gerald.

Ni-repost naman ito ni Gerald with his reply na tatlong heart emojis.

In fairness, maganda ang gym ni Gerald at halatang sobrang talagang pinagbuhusan niya ng effort talaga.

‘Yun nga lang, dahil pandemic pa ay hindi pa ito bukas sa publiko at sey nga niya excited na siya sa official opening nito.

“I can’t wait for the opening at sana matapos na rin itong pandemic so everyone can go back to their normal lives,” ani Gerald.

AUTHOR PROFILE