Dongkim

Dingdong, nag-welcome kay Kuya Kim sa Kapuso

October 4, 2021 People's Tonight 363 views

KINUMPIRMA ni Dingdong Dantes sa kanyang Instagram account kahapon na opisyal nang Kapuso si Kim Atienza.

Sa picture nina Dong at Kim, eh, nasa harapan sila ng GMA Network building sa may Timog Avenue, QC.

Bahagi ng caption ni Dong sa litrato, “But today, I’d like to this opportunity to welcome you into a place that I have considered home for the past decades…

“Kaya Kuya. Kumpadre, welcome! Ngayon, matatawag na kitang Kapuso.”

As of this writing, wala pang opisyal na pahayag ang GMA Network management kung saang programa ilalagay si Kim.

HAHALILI

SINAMAHAN ni Congressman Alfred Vargas ang kapatid sa 5th District ng Quezon City na si Patrick Michael Vargas upang mag-file ng kanyang certificate of candidacy para maging congressman ng distrito.

Si PM ang hahalili kay Alfred na magtatapos na ang termino bilang congressman ng district 5.

Kahapon din nag-file ng kanyang COC si Manila Mayor Isko Moreno bilang presidente sa 2022 kasama ang running mate niyang VP na si Willie Ong.

Hanggang October 8 ang huling araw ng filing ng COC sa mga tatakbo sa 2022 elections. Ni Jun Nardo

AUTHOR PROFILE