Default Thumbnail

Amay Bisaya open for Vice President!

September 30, 2021 Allan L. Encarnacion 648 views

Allan EncarnacionUMAMIN ang Customs na nalusutan sila ng mga smuggler ng gulay kaya bumaha ng mga imported na carrots at cabbage sa merkado.

Hindi pa kayo tinutubig, umamin na kayo!

Kunsabagay, hindi naman bagong balita yan. Mas okey sanang flash report: Customs, hindi nalusutan!

Shabum, shabum, shalalala, shabum, shabum!

***

Problema na naman ng oposisyon ang isyu ng pagkakaisa.

Sabog na sabog daw sila ngayon kaya kailangan nilang magkaroon ng common candidate na tatalo sa magiging kandidato ni Presidente Duterte sa 2022.

Parang Customs, hindi na rin naman bagong balita ang watak-watak na oposisyon kapag dumarating ang eleksiyon.

Mas madali pang makabili ng United Colors of Benetton kaysa sa United Opposition!

Talpakan na!

***

Nag-leave si Davao City Mayor Sara Duterte mula Oct 5 to 8.

Lalong lumawak ang iba’t ibang espekulasyon sa kanyang plano kung kakandidato ba itong Presidente sa 2022.

Ayon sa mga balita, papunta sa Singapore si Inday sa mga petsang yan.

HIndi totoo ang tsismis na kinukuha siyang Deputy Prime Minister ni PM Lee Hsien Loong!

***

May expiration pala ang plastic face shield.

Sabi ko na nga ba, buti na lang hindi ko kinain!

Mga buwisit!

***

Kung hindi raw tatakbo si VP Leni sa 2022, baka mapilitan si Trillanes na kumandidatong Presidente.

Ano naman kaya ang plano ni Boss Ely Pamatong?

By the way, open si Pareng Amay Bisaya for Vice Presidential candidacy.

Boss Amay, bata mo ko!

***

Ano na kaya balita sa Tupad scandal sa Quezon City?

Wala pa bang maghihimas na malamig na rehas sa mga sangkot sa kasuwapangan na yan?

Isusubo na lang ng mga pobre, inagaw pa ng mga buwayang nakakurbata!

***

Pagkatapos ng labing isang taon, naghiwalay na pala sina beauty queen, TV host Maggie Wilson at real estate mogul Victor Consunji.

Pero sabi ni Madame Maggie, kahit nangyari ito, patuloy nilang mamahalin at susuportahan ang isa’t isa kahit ano pa ang mangyari.

Parang nalito ako doon, sorry.

***

Hindi na raw makita si Mago na testigo ng Senate Blue Ribbon probe sa Pharmally issue.

Hintayin nyo sa unang linggo ng January, lalabas din yan, tatlong Haring Mago pa kung gusto nyo!

[email protected]