Cattleya

All-star cast ng ‘Cattleya Killer,’ ipinakilala

February 10, 2022 Ian F. Fariñas 335 views

Ipinakilala na ang powerhouse cast ng Cattleya Killer, ang bagong international project ng ABS-CBN na pinagbibidahan ni 2020 Asian Academy Creative Awards Best Actor Arjo Atayde, na layuning paningningin pa ang talento ng Pilipino sa buong mundo.

Makakasama ni Arjo sa serye na ipapalabas sa international market sina Christopher de Leon, Jake Cuenca, Jane Oineza, Ricky Davao, Nonie Buencamino, Ria Atayde, Ketchup Eusebio, Frances Makil, Rafa Siguion-Reyna, Jojit Lorenzo at Zsa Zsa Padilla.

Bakas naman sa mukha ni Arjo ang saya na makakatrabaho niya ang ilan sa mga tinitingalang mga aktor sa bansa.

Aniya, “It’s such a beautiful cast. I’m so happy to see everyone on board. I don’t need to explain further, but I’m just excited. Remember that I’m just one of the actors for this series and we’re going to do this together.”

Magsisimula ang taping ng Cattleya Killer ngayong buwan sa direksiyon ni Dan Villegas, habang isinulat naman ang serye ni Dodo Dayao.

Magsisilbing executive producer si Direk Ruel Bayani. Ipapalabas ito sa international audiences sa patuloy na paggawa ng ABS-CBN ng mga international project.

Nakikipagsanib-pwersa rin ang ABS-CBN sa iba’t ibang partners upang mas makilala pa ang mga kwentong Pilipino at talento sa buong mundo.

Sumunod ang Cattleya Killer sa Almost Paradise, ang unang American TV series na kinunan sa Pilipinas.

Isa itong co-production ng ABS-CBN sa Electric Entertainment mula sa Hollywood.

AUTHOR PROFILE