Gov. Chiz pinagdadahan-dahan si Heart sa paggastos

February 10, 2022 Aster Amoyo 377 views

SA darating na Valentine’s Day ay 37th birthday ng singer, actress, celebrity endorser, visual artist, fashion icon, entrepreneur and philanthropist na si Heart Evangelista-Escudero at kinabukasan, February 15 ay 7th wedding anniversary nila ng kanyang husband, ang lawyer at politician na si Chiz Escudero (52). But days before their wedding anniversary at binigyan na ni Heart ang kanyang mister ng mamahaling regalo, isang Rolex watch at Louis Vuitton men’s pouch. Ang mga ito ay hiwalay pa sa mga pasalubong ng singer-actress sa kanyang husband pagkagaling ng Paris, France kung saan siya dumalo sa recently-concluded Paris Fashion Week.

Sina Heart at Chiz ay ikinasal nung February 15, 2015 sa Balesin Island.

It was in May 2018 nang ibahagi ni Heart na magkakaroon na sila ng sarili nilang baby but weeks later ay malungkot niyang ibinalita ang kanyang pagkakaroon ng miscarriage. It could have been twins tulad ng fraternal twins ni Chiz sa kanyang ex-wife na si Tintin Flores na sina Ma. Cecilia at Joaquin Escudero (14).

Although gustong-gusto ng mag-asawang Heart at Chiz na magkaroon ng sarili nilang anak, ayaw magpa-pressure ng singer-actress. Naniniwala siya na ito’y darating din in His perfect time.

Samantala, ngayong simula na ang kampanya for national positions, tiyak na magiging abala rin ang singer-actress sa pagtulong sa kampanya ng kanyang senatoriable husband na kasalukuyang gobernador ng Sorsogon which he also represented in Congress nung 1998 up to 2007.

Gov. Chiz was a former senator nung 2007 up to 2019. Tumakbo rin siya sa pagka-vice president nung 2016 bilang ka-tandem ni Sen. Grace Poe (sa pagka-presidente) pero pareho silang hindi pinalad kaya nung 2019 ay tumakbo siya sa pagka-gobernador ng Sorsogon.

Maituturing na loyalist ng University of the Philippines si Chiz dahil mula kindergarten hanggang sa kanyang pagtatapos ng abogasya ay sa nasabing state university siya nag-aral. He took his Masters of Laws degree sa Georgetown University in Washington, D.C. in USA.

Si Chiz ay pangalawa sa tatlong anak ng yumaong dating senador at kongresista at Minister of Agriculture (during Marcos era) na si Francisco `Sonny’ Escudero. He was serving as a congressman representing the 1st district of Sorsogon until his death in 2012. His mother, Dr. Evelina Guevarra-Escudero took on his father’s position.

Chiz’ paternal grandfather, Salvador Escudero, Jr. served as mayor, provincial board member and governor during the Japanese time of which he also led one of the guerilla units in his province.

Heart’s husband inherited his passion in public service from his grandfather and grandfather.

Samantala, pinaalalahanan ni Chiz ang kanyang misis na si Heart na magdahan-dahan sa kanyang pagiging shopaholic even if she earns her own money.

XianMarcoJulia, Xian at Marco nakasundo agad si Direk Brillante

2009 Cannes Film Festival Best Director for the movie “Kinatay” Brillante `Dante’ Mendoza is now one of the favorite directors of Viva Films having completed three movies in a row in barely a few months’ time, two of which, were shown in succession on Viva’s one-year-old Vivamax streaming app, ang “Palitan” at “Sisid” and to follow this February 25 his first ever all-out horror flick, “Bahay na Pula” starring Xian Lim, Julia Barretto and Marco Gumabao.

Although my touch of horror ang kanyang 2013 movie na “Sapi” na tinampukan nina Meryll Soriano, Dennis Trillo, Baron Geisler at Ruby Ruiz, said movie was more of a suspense-thriller movie than a horror.

Kahit hindi forte ni Direk Dante ang horror, he did his best na maitawid niya ang proyekto na kinunan pa mismo sa Pola, Mindoro and he’s glad na sina Xian, Julia at Marco ang kanyang stars na pare-parehong magagaling umarte.

Kilala si Direk Dante sa hindi paggamit ng script sa kanyang mga ginagawang pelikula but he is loyal sa narrative o kuwento ng proyekto na kanyang ginagawa.

Since kakaiba ang atake ni Direk Dante bilang director sa mga pelikulang kanyang ginagawa, he reaped praises from the stars of the movie at kasama na rito sina Xian, Julia at Marco na at first ay na-intimidate sa kanilang director.

Since hindi sila pare-pareho sanay sa paggawa ng mga horror films, aminado sina Direk Dante, Xian, Julia at Marco na silang apat ay lumabas sa kanilang comfort zone nang kanilang gawin ang “Bahay na Pula” which was a big challenge to them.

Although horror ang “Bahay na Pula,” aminado ang stars ng movie na nakapag-create sila ng special bonding together with Direk Dante while doing the movie.

While shooting the movie, they made it a point na meron silang bonding time on their free time or kapag tapos na ang shoot for the day at inaabot umano sila ng madaling araw sa kuwentuhan.

First time nakatrabaho nina Xian, Julia at Marco si Direk Dante at umaasa tatlong stars na hindi umano ito ang kanilang first time to work with the internationally-award-winning megman.

Samantala, may ilang bagong proyekto na namang sisimulan si Direk Brillante sa Del Rosario-owned company.

ClaudiaClaudia open din sa pag-arte

KUNG si Julia Barretto ay kilala bilang isang mahusay na aktres, sa singing naman nagi-excel ang kanyang nakababatang kapatid na si Claudia Barretto who is fast making a name bilang singer-songwriter under Viva Records.

Ang magkapatid na Julia at Claudia ay parehong nasa pangangalaga ngayon ng Viva Artists Agency (VAA) pero ang huli ay naka-focus sa kanyang singing-songwriting at recording.

Sa recent zoom press conference hosted by Viva Records, sabay na humarap ang 22-year-old na si Claudia at ang 18-year-old rap artist na si Because (Bernard Jose Castillano) para sa kanilang unang collaboration sa awiting “Everything” which they both wrote and composed.

Inamin ng dalawang artist that it took them four hours and a half to complete the song “Everything” na ang mensahe ay may kinalaman sa pag-achieve ng goal.

While the two artists are working on their respective solo songs, it was an experience for the both of them collaborating on the song “Everything” now out sa iba’t ibang music platforms.

Samantala, kahit singing and writing songs ang kanilang priority ngayon, both admitted na pareho silang bukas sa posibilidad na pasukin din ang acting.

Subscribe, like, share and hit the bell icon (for notification) of “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram@asteramoyo, Facebookl@asteraamoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE