Heart

Alex, umaming ’di sila inisnab ni Heart sa Milan

November 16, 2022 Vinia Vivar 356 views

Alex

NILINAW ni Alex Gonzaga ang balitang inisnab siya at si Dra. Vicki Belo ni Heart Evangelista nang magpunta sila sa Milan Fashion Week kamakailan.

Too late na nga lang ang paglilinaw na ginawa ni Alex sa kanyang Facebook page dahil kumalat na sa print at online media ang naging usapan nila ni Dra. Vicki na in-upload pa nila sa YouTube.

Paliwanag ni Alex, joke lang ang naging pag-uusap nila ni Dra. Vicki sa nasabing vlog at hindi totoong nakita nila pero inisnab sila ni Heart.

“Ay… Hindi po kami nagkita sa Milan, biruan lang po namin ‘yan ni (Dra. Belo) if you watch the whole vlog. Heart is nice since Pangarap na Bituin circa 2007 pa po sa ’kin at magkaibigan kami.

Hindi na dapat ginawang news mga ganito,” giit niya.

Si Dra. Vicki ang nag-invite kay Alex sa nasabing sosyal na fashion event at habang naroroon nga sila ay nag-vlog sila ng kanilang mga karanasan doon.

Kung panonoorin ito, biglang nabanggit ni Alex si Heart dahil fashion week nga ang pinag-uusapan at isa naman talaga ang aktres sa fashion icons natin dito at abroad.

Dito nasabi ni Dra. Vicki na inisnab sila ni Heart.

“Ay, hindi tayo pinansin ni Heart. Hoy Heart,” natatawang sabi ng celebrity doctor.

Susog naman ni Alex, “Heart, ano ‘to Mars? Sa Manila magkakaibigan tayo!”

Sabi naman ulit ni Dra. Vicki, “Mars, we’re in the same fashion show, hindi ka man lang nag-hi!”

Tila panunumbat pa ni Alex, nanood pa naman daw siya ng mga teleserye noon ni Heart na Luna Mystica, Hiram at Panday.

Tsika pa ulit ni Dra. Vicki, “’Di ba nandoon kami sa Gucci, front row din tayo, ‘di ba?” sey niya kay Alex. “O, front row ka rin,” dagdag pa niya na si Heart naman ang tinutukoy.

Sabi naman ni Alex, “’Yung mga soap opera niya, sinuportahan natin siya, sana naman, suportahan niya tayo rito.”

Pag-ayon naman ni Dra. Vicki, “Oo, sana naman…”

KIM, MANGIYAK-NGIYAK SA GINAWA NI XIAN

Gustong maiyak ni Kim Chiu sa todo-suporta ng boyfriend na si Xian Lim at ang pamilya nito sa kanyang bagong negosyo.

Ipinost kasi ni Xian ang mga larawan nila ng kanyang ina at lola na gamit gamit ang bag from House of Little Bunny Ph ni Kim.

Take note ha, sa picture ay makikitang pambabae ang gamit na bag ng aktor pero wa siya care.

Sa caption ay nag-congratulate pa si Xian kay Kim dahil sa bagong designs ng bag na paparating.

Touched na touched naman si Kim sa ginawa ng boyfriend at sinabing maiiyak na siya.

“Im gonna cry na!!! thank you b,” ang komento ni Kim.

Kilig na kilig naman ang mga netizen at pinuri-puri nila si Xian for being a supportive boyfriend.

“You’re such a sweetheart Xian! Mabait and respectful na anak and a very proud and supportive boyfriend to Kim and her new business venture. God bless you and the 3 lovely women in your life,” komento ng isang netizen at ganito rin halos ang reaksyon ng iba pa.

AUTHOR PROFILE