Kanto

Direk Joel, walang kinakalaban sa tema ng MMFF entry

November 15, 2022 Ian F. Fariñas 314 views

NGAYON pa lang, mainit nang pinag-uusapan ang My Father, Myself, Metro Manila filmfest entry ni Direk Joel Lamangan para sa 3:16 Media Network at Mentorque Productions nina Len Carrillo at John Bryan Diamante.

Sina Sean de Guzman, Jake Cuenca at Dimples Romana ang mga bida rito mula sa panulat ni Quinn Carillo.

Trailer pa lang, kontrobersyal na ang movie dahil sa relasyon ng isang beki (Jake) at ng kanyang ampon (Sean).

Obserbasyon ng ilan, nakakasira o nakasasama sa imahe ng mga bading ang istorya.

Pero depensa ni Direk Joel nang makaharap ang entertainment press sa storycon isa pa niyang pelikula sa 3:16, ang Sa Kanto ng Langit at Lupa, “Kapag ang trailer ay inilagay sa social media, ibig sabihin niyan, it’s open to be criticized. It’s open to be praised or criticized. I don’t mind if they criticize it. My point is, it is not against gay.

“’Yun lang naman ang point nu’n. It is against the gays daw. No, it is not. I am a storyteller. I am a filmmaker. My life journey is to look for different stories and representations for the public to understand, and for the public to learn something from. Hindi naman palaging magagandang gay story lang ang ipapakita mo. That is not realistic. That’s romanticism.

“Hindi tama iyon. Meron ka rin dapat ipapakita na hindi magandang istorya ng isang gay. Ipakita mo upang kapulutan ng aral para hindi na siya muling gawin. Hindi naman lahat ng gay, mabuting tao. Mali ‘yun. May gay na magnanakaw, may gay na kriminal, may gay na nanggagahasa. Kagaya ng isang ordinaryong tao, ng lalaki at babae,” dagdag ng award-winning director.

AUTHOR PROFILE