Greta

Pamaskong handog, ikinakasa ni Gretchen

November 16, 2022 Jun Nardo 305 views

HETO na ang malapit kay Gretchen Barretto at kinakalap na ang names ng mga taong dapat bigyan ng Paskong biyaya.

Eh, memorable ang gesture na ito ni Gretchen nu’ng kasagsagan ng pandemic sa ipinamigay niyang Love Box ng mga pagkain at iba pa sa workers sa movie and TV industry.

Natigil man ito, pero ngayong Christmas, eh, nagsimula nang kumuha ng listahan si La Greta ng mga bibigyan ng Christmas Love Boxes.

Walang pili-pili ito, ha! Kahit ano ang estado sa buhay, may regalo, lalo na ‘yung less fortunate at hirap pa rin sa buhay dahil sa pandemic.

Mabuhay ka, Gretchen!

‘START-UP PH,’ WALA NANG 2ND SEASON

ROAD na to 1 billion ang views sa Tiktok ng GMA afternoon show na Abot Kamay na Pangarap.

As of this writing, umabot na sa 800 million views sa nasabing platform ang Carmina Villarroel at Jillian Ward-starrer.

Ang Kapuso inspirational medical drama ang number 1 GMA show online, trending sa Twitter ang videos at sa iba pang platforms.

Totoo kaya ang nabasa namin sa social media na malapit na itong matapos?

Eh, ang alam namin, ang GMA primetime series na Start-Up PH ang magtatapos.

Hindi na ito magkakaroon ng second season kaya may mga bagong show sa primetime na ikinakasa ang GMA Public Affairs na baguhan ang cast.

AUTHOR PROFILE