Default Thumbnail

Alarm tagging’ ng NCAP suspendido

September 8, 2022 Jun I. Legaspi 360 views

Sa ilang LGU sa MM, Bataan

LIFTED na o sinuspinde lahat ang “alarm tagging” ng “No Contact Apprehension Policy” (NCAP) ng tatlong siyudad sa Metro Manila (MM) at isang probinsiya, ayon sa Land Transportation Office (LTO)-Technical Working Group.

Sa opisyal na report na inilabas ng LTO-TWG, posibleng matapos na rin ang pag-alis ng mga alarm tagging ng NCAP sa Lungsod ng Maynila at pumayag na rin alisin ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ito sa kanilang system.

Ayon sa LTO, bandang 3:00 p.m., Huwebes, nang maalis lahat ang alarm tagging kaugnay sa NCAP ng mga siyudad ng Quezon City, Parañaque City, Valenzuela City, at probinsiya ng Bataan.

Nauna ng sinabi ng LTO na posibleng sa mga susunod na araw ay matapos ng mga LGUs (local government units) ang “lift” ng mga alarm tagging sa mga sasakyang nahuli sa paglabag ng NCAP.

Nagpasalamat at kinumendahan ng liderato ng LTO ang mga LGUs sa mabilis na aksyon at pagtugon batay na rin sa utos ng Korte Suprema para mairehistro na ang mga sasakyang nahuli sa NCAP.

AUTHOR PROFILE