Guest

Aktor, nakipagbardagulan para sa single burner stove

September 18, 2023 Jun Nardo 300 views

ILANG days na lang at Pasko na. Eh, dahil maluwag na ang health protocols, siguradong kaliwa’t kanan na ang Christmas parties, reunions, gatherings at iba pa.

Kadalasan sa Christmas parties, present ang pa-raffle ng pera at appliances gaya ng TV, aircon, E-fan at iba pa. Kahit maliit ang premyo, basta nanalo sa raffle, happy na ang lahat!

Gaya ng isang aktor na produkto ng reality show na hindi na aktibo sa showbiz ngayon. Nu’ng raffle time, nanalo ang aktor ng single burner stove.

Sa halip na i-donate, itinabi niya ‘yon at sinabing kukunin niya.

That time kasi, wala pang masyadong kita ang aktor unlike today, huh!

Nang matapos ang event, hinanap ni aktor ang raffle prize niyang single burner stove. Eh, hindi niya agad ito nakuha kaya nagtatalak siya sa organizers ng raffle!

Dahil naitabi lang, naibigay naman sa aktor ang premyo niya.

Tumaas lang ang kilay ng organizer ng party dahil sa single burner stove, talagang makikipag-away ang aktor, huh!

DENNIS-BEA REUNION SERIES, MALAYO SA ALDEN-BEA SERIES

BeadenMABUTI na lang, walang kontrobersiyang bumalot sa reunion series nina Dennis Trillo at Bea Alonzo na Love Before Sunrise na sa Monday, September 25, na mapapanood sa GMA habang sa September 23 naman ang streaming ng advance episodes nito sa Viu.

Sa series ni Bea with Alden Richards na Start-Up PH, alam naman ninyo marahil ang mga intrigang kumalat tungkol sa partnership nina Bea at Alden.

Nakita namin sa aming Facebook memories na parang this time rin nagsimula ang Start-Up PH.

Halos kasabay ng Love Before Sunrise, huh!

Well…

AUTHOR PROFILE