Trina

Trina, tumangging magsalita sa visitation rights case na isinampa ni Carlo

September 18, 2023 Vinia Vivar 196 views

Ayaw na munang magsalita ni Trina Candaza tungkol sa inihaing kaso ng ex-partner niyang si Carlo Aquino kamakailan.

Balita kasi na nagpunta si Carlo sa Quezon City Regional Trial Court last week para sa isinampang visitation rights case para sa anak nilang si Mithi.

Hindi malinaw kung nag-file pa lang si Carlo o dumalo na sa hearing.

Basta ayon sa mga nakakita ay kasama ng aktor ang anak nila ni Trina noong araw na ‘yun at karga-karga pa niya ito.

Ayon kay Ogie Diaz sa kanyang vlog ay hiningan niya ng reaksyon si Trina tungkol sa kaso.

“Tungkol sa ipinayl ni Carlo na visitation rights sa QC RTC, sinabi ni Trina sa atin na ‘yung tungkol doon ay ayaw na muna niyang magsalita at pipiliin niyang manahimik alang-alang kay Mithi.

Nangangahulugan lang na nasa korte na nga ang kaso at bawal sa magkabilang panig ang magsalita,” ani Ogie.

Ipinakita rin ni Ogie ang interview niya kay Trina noong Enero kung saan ay napag-usapan nila ang tungkol sa panghihiram ni Carlo kay Mithi.

So, apparently, matagal na pala nila itong issue talaga.

Ang sabi ni Trina sa naturang panayam, okay lang sa kanya na hiramin ni Carlo si Mithi provided na sa anak lang talaga ang oras nito at walang ibang kahati.

“Okay lang, Mama Ogs, kapag kukunin si Mithi, gusto ko si Mithi lang sana. Mamili siya kung kanino niya i-spend ‘yung time niya kung sa daughter niya, or sa new girl niya o sa friends niya,” ani Trina.

“Kasi I think Mithi doesn’t deserve na may kahati sa time since minsan na lang naman niya makasama ang daddy niya,” sey pa ni Trina.

Katwiran pa ni Mithi, hindi makabubuti sa bata kung may iba-ibang nakikitang babaeng karelasyon ang ama nito.

“At saka parang respect na lang din sa akin, Mama Ogs, na huwag munang ipakilala si Mithi sa mga panibagong partner niya kasi ayaw ko ring i-instill sa utak ng anak ko, sa values niya na okay lang magpapalit-palit ng partner.

“If ever dumating ‘yung panahong may pakakasalan na siya (Carlo), siguro ‘yun kailangan na naming magkita-kita hahayaan ko na silang mag-bonding kasi ‘yun na ‘yung tatayong pangalawang nanay ni Mithi,” pahayag ni Trina sa panayam.

AUTHOR PROFILE