Vice

ALAM KO NA MAYAMAN AKO — VICE

September 18, 2023 Vinia Vivar 315 views

Inamin ni Vice Ganda na bata pa lang siya ay alam na niya ang kanyang self-value at aware siya na magaling siya.

“Na-instill sa amin ‘yung self-worth. Tapos, na-instill sa akin ‘yung ‘magaling ka, matalino ka,’” sey ng Unkabogable Star sa panayam niya sa isang online show.

“Kasi, ‘di ba, ‘pag bata ka, lalo na ‘pag lagi kang uma-attend ng Recognition Day, alam mong matalino ka, ‘di ba? ‘Pag lagi kang may award, alam mong magaling ka. Kung lagi kang nananalo, alam mong magaling ka. Kung scholar ka, ‘ay magaling ako, scholar ako, eh.’

“So bata pa lang ako, naniniwala akong magaling ako kasi bata pa lang ako, mayroon na akong mga napapatunayan. Nananalo ako ng mga contest. Mayroon akong yabang sa sarili ko, mayroon akong yabang sa sarili ko kasi may napatunayan ako,” katwiran pa ni Meme Vice.

Natanong din sa TV host/comedian kung gaano siya kayaman.

Aniya, ito ang tanong na madaling bitawan ng nagtatanong pero ang hirap sagutin.

“Depende siguro kung saan mo sinusukat ‘yung kayamaman na tinutukoy. Pero hindi ko alam. Hindi ko na masukat ‘yung yaman ko ngayon.

“Sama-sama na ‘yung yaman na tinutukoy ko –yaman ng pananalapi, yaman ng kaligayahan sa puso, yaman ng mga naabot na rin na mga pangarap, yaman ng mga taong nakapaligid sa akin.

“So, kung susumahin ko kapag sinama-sama ko ‘yun, hindi ko na alam kung gaano siya kalaki pero sa pagkakataong ito, alam ko na mayaman na ako,” sey ni Vice.

AUTHOR PROFILE