Vilma Larawan mula sa IG/@rosavilmasantosrecto

Ate Vi karir na karir pagiging lola sa anak ni Luis

September 18, 2023 People's Tonight 290 views

KINARIR ang pagiging lola ng “Star for All Seasons” at politician na si Vilma Santos sa kanyang apo na si Isabella Rose o Baby Peanut, anak ni Luis Manzano at Jessy Mendiola.

Sa isang Instagram reel na ibinahagi ng Star for All Seasons nitong Linggo, Setyembre 17, makikita ang masayang-masaya na si Ate Vi sa kanilang bonding moments ng kanyang apo.

Sa IG reel mapapanood din kung paano binibigyan ng high five ni Baby Peanut ang kanyang lola. Ibinahagi rin ni Ate Vi ang larawan kung saan binabasahan niya ng libro ang apo.

“Sunday Funday!” sey ni Ate Vi sa caption.

Hindi naman napigilan ng ilang netizens na mapa-comment sa video na ito ni Ate Vi kasama ang apo niya kay Luis. Hirit pa nga ng netizens na magkamukha ang dalawa.

“Magkamukha ang maglola.”

“Ate Vi sana po more videos together with baby peanut. Same face po kasi kayo ang gandang panoorin.”

“Baby Peanut looks like you Ms. Vi! So pretty po.”

“Mini me niyo po apo niyo.”

“Xerox copy VI LIIT.”

“Hawig na hawig po ni Miss Vilma si baby Peanut.”

AUTHOR PROFILE