Maine Mga larawan mula sa IG/@mainedcm

Bossing niregaluhan ng ‘gintong sculpture’ sina Maine, Arjo

September 18, 2023 People's Tonight 170 views

NAKATANGGAP ng mala-gintong sculpture bilang wedding memento ang bagong kasal na sina Maine Mendoza at asawa nitong si Quezon City first district congressman Arjo Atayde mula sa mag-asawang TV personalities na sina Bossing Vic Sotto at Pauleen Luna.

Sa kanyang Instagram stories nitong Linggo, Setyembre 17, ibinida ni Maine ang kulay gintong sculpture at pinasalamatan naman sina Bossing at Pauleen sa pagbibigay ng regalo.

“Our wedding memento. Thank you so much, @pauleenlunasotto and bossing!” sey ng “E.A.T.” host sa caption ng kanyang IG story.

Ang nasabing mala-gintong sculpture ay gawa at mula sa Ronald Castrillo Sculptures & Artworks kung saan inspired mismo sa naging kasal nina Maine at Arjo noong Hulyo 28 sa Baguio.

“We like to celebrate the unique nature of every single Castrillo piece using traditional techniques passed on generation to generation. All these are individually handmade and even though we make every effort to create only the best, natural blemishes and imperfections are what make each piece unique, captivating and rich in stunning details. Descriptions and measurements have been used to best portray the pieces. Our genuine process that focuses on precision, crafted with love.” mensahe naman ng nasabing sculptor sa card na kalakip ng wedding memento.

AUTHOR PROFILE