Joet Garcia

Aksidente sa Bataan hi-way sunod-sunod

April 18, 2024 Christian D. Supnad 90 views

Garcia pinaalala disiplina sa kalsada

BATAAN–Nanawagan si Gov. Joet Garcia sa mga motorista na mag iingat at huwag magmaneho ng lasing dahil sa sunud-sunod na aksidente sa Roman highway.

Ayon sa report, ugat ng karamihan sa mga aksidente ang human error at kawalan ng disiplina ng ibang driver.

“Isa na naman po nating kababayan ang nasawi sa isang vehicular accident sa Roman superhighway kaya’t patuloy ang ating paalala sa lahat na mag-ingat at pairalin ang disiplina sa kalsada,” ani Gov. Garcia.

Bukod sa pagpapatupad ng ilang batas trapiko, sinabi ni Gov. Garcia na may ipinatutupad din na ordinansa sa highway at regular na naka-monitor at nagpapatrol ang mga kawani ng Metro Bataan Development Authority.

“Mayroon ding po tayong checkpoints sa mga bahagi ng kalsada kung saan regular ang pagsasagawa ng breathalyzer tests na sumusuri kung ang nagmamaneho ng sasakyan nakainom,” anang gobernador.

“Mahigpit ding pong ipinagbabawal ang pagmamaneho nang lasing upang maiwasan ang aksidente kaya’t paunawa po na kung gusto ninyong makarating sa inyong paroroonan o makauwi sa inyong tahanan ng ligtas, tiyakin pong nasa maayos na lagay hindi lamang ang inyong mga sarili kung hindi maging ang inyong sasakyan,” dagdag pa ng gobernador.