BBM

PBBM humirit sa Kongreso na ipasa mga batas para sa mga manggagawa

May 1, 2024 Chona Yu 81 views

NANAWAGAN si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Kongreso na agarang ipasa ang mga panukalang batas na susuporta sa adhikaing makalikha ng mas marami at de kalidad na uri ng trabaho sa bansa.

Sa talumpati ni Pangulong Marcos sa paggunita sa Araw ng Paggawa sa Palasyo ng Malakanyang, partikular na ipinapanawagan nito ang Enterprise -Based Education at Training Program Law, Revised Apprenticeship Program Act, ang CREATE More Jobs Law o ang batas sa Corporate Recovery and Tax Incentive for Enterprises.

Ayon sa Pangulo, layunin ng mga panukalang batas na ito na mabuksan ang mga oportunidad para sa mas masiglang ekonomiya.

“I call on Congress to pass laws that will support the attainment of our jobs creation agenda,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Nagpasalamat si Pangulong Marcos sa lahat ng manggagawang Filipino na aniya ay puso at kaluluwa ng lakas ng paggaw.

“Sa lahat ng mga manggagawang Pilipino, muli ako’y nagpapasalamat sa inyo. Kayo ang puso at kaluluwa ng ating lakas-paggawa, ang nagsusulong ng ating tagumpay, at ang dahilan kung bakit patuloy tayong nangangarap para sa isang mas maliwanag na bukas,” pahayag ni Pangulong Marcos.

“Kayo ang mukha ng Bagong Pilipinas—magagaling, masisipag, at punong-puno ng dedikasyon—kaya’t nararapat lamang na bigyan ng dangal, respeto, at paghahanga. Umasa po kayo na ang mga manggagawang Pilipino, sa loob o labas man ng bansa, ay patuloy na aalagaan ng pamahalaan,” dagdag ng Pangulo.

AUTHOR PROFILE