Batangas

MV Doulos nasa Batangas port hanggang Abril 28

April 18, 2024 Jojo C. Magsombol 80 views

BATANGAS–Dagsa ang mga booklovers sa Batangas port, Batangas City dahil kasalukuyang nakadaong ang MV Doulos Hope, ang international floating book, mula pa noong Abril 16 at mananatili hanggang Abril 28.

Mabibili sa barko ang mahigit sa 2,000 aklat kabilang ang mga children’s books, cookery, classics, novels, books on family at parenting, bibles at iba pa sa murang halaga.

International ship ang MV Doulos Hope na pinamamahalaan ng GBA Ships e.V., isang non-profit, charity organization na nakarehistro sa Germany at bumibisita sa iba’t-ibang bansa.

Unang bumisita sa Pilipinas ang sister ship nito noong 1991 at nag-drydock noong 2008. May 120 crew at staff mula sa 30 bansa ang floating library.

Bukas ang MV Doulos alas-2:00 ng hapon hanggang alas-8:00 ng gabi sa entrance fee na P6 sa port at P50 sa barko.

Naging panauhing pandangal sa opening program si Board Member Claudette Ambida bilang kinatawan ni Governor Hermilando Mandanas.

AUTHOR PROFILE