Posas

2 lalaki nasakote dahil sa sangkaterbang boga, bala

April 18, 2024 Jojo C. Magsombol 40 views

KAMPO MAJOR/HENERAL LICERIO I. GERONIMO, Taytay, Rizal– Dalawang lalaki ang nasakote ng mga pulis dahil sa sangkaterbang baril at bala sa Brgy. Calumpang, Antipolo City, Rizal, ayon sa mga pulis noong Martes.

Kinilala ang mga nahuli na sina alyas Cesar at alyas Zeus na inaresto sa bisa ng search warrant na inisyu ni Executive Judge Agripino R. Bravo ng Regional Trial Court, Fourth Judicial Region ng Lucena City.

Hindi na nakapalag ang dalawa ng dakpin ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group at Antipolo City police bandang alas-8:00 ng umaga.

Narekober sa dalawa ang isang cal. 22 pistol, isang magazine at mga bala para sa cal. 22, isang cal. 45, tatlong magazine, maraming bala para sa cal. 45,12 bala para sa cal. 25, tatlong bala para sa cal .22, isang cal. .45, isang cal. 38, isang cal. 38, pitong bala para sa cal. 38, isang improvised pistol cal. 22, dalawang cal. 22 rifle, limang unserviceable firearm, isang rifle scope, apat na magazine para sa M1 at 85 piraso ng bala para sa M16; 30 blankong bala para sa rifle, 25 bala para sa M14; anim na bala para sa 9mm, dalawang bala para sa shotgun at isang bala para sa cal. 45 colt magnum.

AUTHOR PROFILE