AJ AJ Raval (second from right) with actor Benz Sangalang, Boss Vic del Rosario and talent manager Jojo Veloso

AJ walang inaamin tungkol sa diumano’y panganganak

December 6, 2022 Aster Amoyo 160 views

AJ1

MULING nakita in public ang sexy actress na si AJ Raval sa opisina ng Viva noong nakaraang Huwebes. Napabalitang nabuntis ito at tsismis na si Aljur Abrenica ang ama. Pero nang humarap ito kay Boss Vic del Rosario para diumano pag-usapan ang mga bagong project nito, slim na slim at walang senyales na ito nga ay nanganak.

In fact, wala naman talaga itong inamin kahit may mga panahong hindi siya nakita ng publiko.

Wala siya sa press preview ng kanyang pelikulang “Us X Her’ sa Gateway Cinema, pero naroon ang kanyang co-stars na sina Angeli Khang at Kiko Estrada.

Diumano, tinawag pa nga raw ni AJ na ‘mga sira-ulo’ ang nagsulat na siya’y nabuntis at nanganak.

Parang ganito rin ang kaso ni Julia Montes na ladylove ni Coco Martin. Kahit napabalitang nanganak na (in fact, may tsismis na muli pa itong nanganak), wala pa ring makapagpatotoo dahil hindi naman ito pinatototohanan ng may katawan.

Samantala, may mga ready project na nga raw si AJ sa Viva, para sa Vivamax at sa bagong bubuksang Viva Prime (kung saan hindi magpo-focus ang kompanya sa paggawa ng mga skin flick) na magsisimula sa February next year.

Dorothy
Dorothy Laforteza (second from right) with (L-R) Aster Amoyo, Bebot Santos and Eugene Asis

Dorothy gustong mag-produce muli

NAKAKATUWANG makita ang dating producer na si Dorothy Laforteza after a long time.

Siya ang tumanggap ng award para sa anak na si Sunshine Dizon sa nakaraang Faces of Success awards night sa Teatrino sa Greenhills. Maysakit si Sunshine at talagang hindi makapupunta nang gabing yun. Narito sa Maynila si Dorothy para sa ilang business. “Actually, sa Iloilo na ako naka-base matagal na,”ayon sa kanya. “May inasikaso lang ako rito sa Maynila. Ang dala ko lang damit, apat. Ang balak ko mga one week lang ako rito, pero nagtagal ako nang nagtagal dahil sa dami kong inasikaso. Kaya namili na ako ng maraming damit.”

Tahimik daw ang kanyang buhay sa Iloilo, hindi katulad dito. Simple na lang ang kanyang pamumuhay at malayo sa gulo.

Pero ngayon, parang balak niyang mag-produce muli, either sa pelikula o TV. “May mga nakausap na nga ako na mga tao, pero hindi pa kami nagkaayos,” sabi pa ni Dorothy.

Masaya pa ring kausap si Dorothy katulad noong araw. Maraming anecdotes tungkol sa kanya na malamang mapag-usapang muli kung babalik siya sa showbiz. Tuwang-tuwa nga sa kanya ang kasama naming si Bebot Santos na may-ari ng Colorete Fashion Clothing.

Eduard
Eduard Banez

Nickelodeon star Eduard Banez nakararanas ng diskriminasyon

GUSTO munang bumalik ng Pilipinas ng Nickelodeon star at dating Star Magic talent na si Eduard Bañez. Ang kaso, hindi pa rin naibibigay ng United States Citizenship and Immigration Services (USCIS) ang kanyang green card.

Ayon kay Eduard, “The USCIS has just been stamping my passport every three months. So I have to stay. I am losing my patience waiting for my green card to be released. My parents, who are both American citizens, had consulted a lawyer regarding my problem (with USCIS).”

Feeling ni Eduard, nakararanas siya ng discrimination.

Si Eduard ay inilunsad noong 2006 bilang bahagi ng Star Magic Batch 15 kasama nina Bela Padilla at Megan Young. Nakpagtrabaho rin siya bilang newscaster at naging co-anchor ni Arnell Ignacio sa Radyo Singko 92.3 News FM.

Noong 2015, umalis si Eduard papuntang US kung saan naka-base ang kanyang pamilya. Kalaunan, nagkaroon siya ng pagkakataong makatrabaho sina Ed Sheeran at Justin Bieber para sa music video ng ‘I Don’t Care,’ gayjndin ni Sia sa music video ng ‘Chandelier.’ Sa kasalukuyan, kasama siya sa isang brand new Nickelodeon comedy series bilang “Lil Saint.”

Gayunman, nami-miss niya ang Pilipinas at gusto niyang makita muli ang mga kaibigan at kamag-anak.

AUTHOR PROFILE