Andrea

Ricci, walang kinalaman sa paglaki ng dibdib ni Andrea

December 5, 2022 Vinia Vivar 138 views

Iniintriga ngayon ng mga netizen ang boobs ni Andrea Brillantes. Nag-viral nga kamakailan ang larawan niya kung saan ay kapansin-pansin ang kanyang malulusog na boobey.

Ang daming nagtanong kung nagpadagdag ba siya at puna nga nila, dati naman ay hindi ganyan kalaki ang kanyang boobs.

May mga hindi pa magagandang komento na baka raw ang boyfriend na si Ricci Rivero ang dahilan ng paglaki ng boobs ni Blythe (real name ni Andrea).

Obvious din na malaki ang ipinayat ngayon ng aktres.

Sa latest vlog ni Ogie Diaz with Mama Loi and Dyosa Pockoh ay ibinalita niya na sinabihan si Andrea ng ABS-CBN management na magbawas ng timbang.

“Ang totoo, two months ago, sinabihan ng taga-ABS-CBN na magpapayat kasi medyo siya ay lumusog dahil naparami yata ang kain nu’ng siya’y nag-USA. Oo, ‘yung mga show-show doon.

“Kaya naman si Andrea, ito ay tumimo sa kanyang isipan. Siya ay talagang nag-concentrate, siya ay nag-focus na magpapayat,” tsika ni Ogie.

Kapag pumapayat daw kasi ang katawan ng isang babae ay mas lalong nagiging prominent ang boobs plus noon pa ay malaki na talaga ang upper bumpers ni Andrea.

Kaya wala raw kinalaman si Ricci sa paglaki ng boobs ng aktres.

Ibinalita rin ni Ogie na may gagawing proyekto si Andrea sa January, 2023 at ang makakapareha niya raw rito ay si Kyle Echarri.

“Sila na ni Kyle Echarri ngayon (ang magkakapareha). Si Seth Fedelin, talagang kay Francine Diaz,” sey ni Ogie.

NALOKA SA TAX NG SWIMSUIT 

Naloka si Angelica Panganiban sa Bureau of Customs dahil sa laki ng sinisingil sa kanya sa kanyang swimsuit na binili abroad.

Ayon sa tweet ng aktres, mas malaki pa ang sinisingil na tax sa kanya kesa sa amount ng swimsuit.

“Hmmm… pa’no ma contact ang customs? May binili akong swimsuit, 7k yung amount. Pero pinapabayaran ako ng 8,211 pagka deliver sa akin.

“Naloka po me,” ang tweet ni Angge.

May mga sumagot namang netizens at sinabing wala raw tax sa Customs kapag less than P10,000 ang amount ng kanyang purchase.

May nagbiro naman na ipasuot na lang niya ang swimsuit sa mga taga-Customs.

AUTHOR PROFILE