Jeric

AJ, Nag-react sa pagiging bading ni Jeric

October 17, 2021 Ian F. Fariñas 336 views

MAGKAMUKHA pala tayo!”

Ganyan daw ang naging reaksyon ng anak niyang si AJ Raval sa papel na ginagampanan ng dating action star na si Jeric Raval sa Vivamax original movie na Barumbadings ni Direk Darryl Yap.

Sa movie kasi, tatlo silang bading nina Mark Anthony Fernandez at Baron Geisler a ala-alaga ng matandang beki na ginagampanan ni Joel Torre.

Natutuwa naman daw si AJ na nagsabi pang, “Ngayon ka lang gagawa ng ganyan, ’no? Magkamukha pala tayo!”

“Sabi ko sa kanya, ‘oo naman, ’yan ang hitsura ko nu’ng batang maliit ako, eh,” sagot ng aktor sa anak.

Kauna-unahang pagkakataon ito ni Jeric na gumanap sa nasabing karakter. Kaya understandable na malaking adjustment ang kinailangan niyang gawin para sa nasabing papel.

Sabi nga ni Direk Darryl, pinag-ahit niya ng balbas at bigote sina Jeric, Mark at Baron at pinagsuot ng bra, bestida at stilleto — isang bagay na never pa nilang nagawa sa kahit na anong pelikula o TV show man lang.

Sabi tuloy ni Jeric sa virtual mediacon ng Barumbadings kahapon, talagang nahirapan siya sa galawang bakla na naka-heels na’t lahat malambot pa ang kilos.

Madalas nga raw siyang mag-practice maglakad nang naka-stilleto dahil maging sa fight scenes nila, ’yun ang suot nila.

“Naalibadbaran ako sa sarili ko,” banggit pa niya lalo na raw kapag naka-leggins siya and all. “Respetuhin pa kaya ako ng fans ko?”

Dusa man ang inabot, na-realize raw ni Jeric na hindi siya nagkamali sa pagtanggap sa project dahil sobrang na-challenge man siya, eh, may bago namang mapapanood ang bagong henerasyon ng movie lovers ngayon.

Anyway, magsisimula nang mapanood ang Barumbadings exclusively sa Vivamax sa November 5.

AUTHOR PROFILE