Diablo2

AJ ‘Di nanghihinayang sa ‘Scorpio Nights 3’

August 13, 2022 Vinia Vivar 199 views

Walang pagsisisi kay AJ Raval na hindi niya tinanggap ang Scorpio Nights 3 at happy naman daw siya sa ibinigay na bagong project sa kanya ng Viva Films, ang sexy-action film na Sitio Diablo mula sa direksyon ni Roman Perez Jr.

Matagal na raw niyang dream ang magkaroon ng action film at mas natuwa pa siya nang malamang kasama niya sa movie ang mga hip-hop artist na sina Pio Balbuena, Cean Jr., Just Hush, Because at ang kapatid niyang si Ace Raval

“Sobrang gaan po ng loob ko sa mga rapper, eh, sa mga hip-hop. Nature na po sa akin ‘yan, eh. Kasi ‘yung kuya (Ace) ko rin po, nagra-rap.

“Saka siyempre kay Direk Roman, wala po akong tatanggihan kay Direk Roman,” pahayag ni AJ sa digital conference para sa Sitio Diablo.

Happy raw siya na napunta kay Christine Bermas ang Scorpio Nights 3 dahil gusto na rin daw niyang grumadweyt sa mga ganitong klase ng pelikula na talagang matitindi ang sexy scenes.

“Tapos na rin po siguro ako sa phase nu’ng nag-i-start po talaga, nagse-sexy. Siguro, time na rin naman po para magbigay po sa iba,” ani AJ.

Natanong din ang sexy actress kung kaya ba niya tinanggap ang Sitio Diablo ay para patunayan sa mga tao na hindi siya nagdadalantao tulad ng napapabalita. Marami kasi siyang action scenes sa pelikula.

“Hindi ko naman din po ginagawa ito para lang po sa mga naninira sa ‘kin. Actually, dream ko po talaga mag-action, nag-i-start pa lang po ako sa showbiz,” she said.

“So, happy naman po ako na makagawa ng ganitong klase ng pelikula. Nu’ng tinanong po ako ni Boss Vic (del Rosario) kung gusto ko pong mag-action, sabi ko, ‘yes po, gusto ko po talaga.’ Sabi po niya, ‘sige, pili ka ng direktor mo.’ Syempre, si Direk Roman ang pinili ko,” dagdag niya.

Puring-puri naman ni Direk Roman si AJ when it comes to action scenes at nasa dugo raw talaga nito since action star nga ang ama niyang si Jeric Raval.

“Ang galing niya sa knife. Nag-aral siya ng knife fighting, nag-aral ng stunts, nag-aral ng barilan, siyempre. Nag-aral pa sa Crame ‘yan. Pero nag-aaral naman yata sila talaga ni Kuya Jeric. Pero nag-aral siya para sa project na ito.

“Nakaka-proud si AJ dito, nanaksak basta-basta. Ang daming kalaban, ang daming stunts pero kinakaya niya,” pagmamalaki ni Direk kay AJ.

Streaming na sa Aug. 26 ang Sitio Diablo sa Vivamax. Kasama rin sa movie sina Kiko Estrada, Benz Sangalang, Massimo Scofield, Karl Aquino at Joko Diaz.

AUTHOR PROFILE