Joshua

Joshua, dinenay na may ‘something special’ sila ni Jane

August 13, 2022 Vinia Vivar 117 views

Nilinaw ni Joshua Garcia na walang “something special” na namamagitan sa kanila ng co-star sa Mars Ravelo’s Darna na si Jane de Leon.

Nag-guest ang aktor sa Magandang Buhay last Friday at tinukso siya ng mga host kay Jane.

Ayon kay Regine Velasquez, base sa naobserbahan nila, tila may “something” na namamagitan kina Joshua at Jane kaya diretsahan niyang tinanong ang aktor kung mag-ano ba talaga sila ni Narda/Jane.

“Magkaibigan lang kami ni Jane,” sagot ni Joshua.

Parang ayaw maniwala ng mga host at sey nga ni Jolina Magdangal, nakikita niyang parating magkasama sina Jane at Joshua sa mga ABS-CBN special.

Susog pa ni Regine, “At ang ganda-ganda ni Jane. Ang bait pa.”

Inayunan naman ito ni Joshua.

“Mabait, mabait si Jane, maganda si Jane, matalino si Jane, napakagaan niyang kasama, magaan siya sa eksena,” ani Joshua.

“Yes, okay si Jane. It’s just that parang hindi pwedeng unahin ‘yung ganu’n. Dapat professional, eh, ang hirap nu’ng tinatrabaho namin,” dagdag niya.

Ayaw pa ring tumigil ni Regine at sey niya, “Gusto ko ‘yung professional pero pasasaan ba’t du’n din naman ang (punta). Na-decide ko na.”

Tawa lang nang tawa si Joshua.

Anyway, magaling na pala ang aktor na ilang araw ding nakakulong sa bahay dahil nagkasakit.

In fact, hindi siya nakarating sa grand mediacon ng Mars Ravelo’s Darna at via zoom lang siya humarap dahil nga nagpapagaling siya.

Sa latest Instagram post ni Joshua ay makikita sa mga larawan na nakalabas na siya ng bahay at nakipag-bonding na sa mga kaibigan.

Sa photos ay kasama niya sina Kathryn Bernardo, Alora Sasam, Sophia Andres and boyfriend Daniel Miranda, atbp.

Sa comment section ay nagkomento ang isa pa nilang friend na si Ria Atayde na, “Finally! Laya na!”

AUTHOR PROFILE