Kathyan

Marian, tinawag na ‘queen’ ni Kathryn

August 13, 2022 Ian F. Fariñas 597 views

Dantes

ISA ang Kapamilya actress na si Kathryn Bernardo sa mga bigating bisita sa 38th birthday celebration ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera na idinaos Biyernes ng gabi sa Palacio de Memoria sa Parañaque City.

Bale reunion iyon nina Yan at Kathryn na matatandaang nagkasama at naging magkaibigan nang gawin ang Endless Love sa Kapuso network nu’ng 2010.

Sa video ng pagbati ni Kathryn tinawag niyang “queen” ang kanyang Ate Yan at nagpasalamat sa pagkakaibigang nabuo sa loob ng maraming taon.

Bukod kay Kathryn, dumalo rin sina Kyline Alcantara at Mavy Legaspi, Sofia Andres, Ana Feleo, Boobay, dating manager na si Popoy Caritativo, Perry Lansigan ng PPL Entertainment, ang GMA-7 bosses, ang kanyang Tripe A management family at marami pang iba.

Siyempre, present ang Dantes squad sa pangunguna ng mister niyang si Dingdong Dantes at mga anak na sina Zia at Sixto.

Naroroon din ang kanyang lola at mahal na ina.

Cute na cute naman ang netizens sa uploaded video ni Zia habang kinakantahan ang mommy niya ng Kahit Maputi na ang Buhok Ko.

Maririnig pa ang pagtsi-cheer ni Marian sa background at pagsigaw ng, “Anak ko ’yan!”

Anyway, bago ang magarbong birthday dinner celebration ay kasama namang nag-celebrate ni Marian ang ilang batang cleft palate patients na nasa ilalim ng pangangalaga ng sinusuportahan niyang charity na Smile Train.

Ang Smile Train ay isang non-profit organization na sumusuporta sa corrective surgery ng mga batang may cleft lips at palates.

AUTHOR PROFILE