Default Thumbnail

Airline industry pataas ng pataas ang lipad

May 19, 2022 Jun I. Legaspi 386 views

Jun LegaspiSIGNIFICANTLY magandang balita para sa mga airline industry ang mga numero na naitala ng mga airline companies sa ating bansa, nangangahulugan ito na talagang masigla na ang domestic at international flights.

Unahin natin ang magandang balita ibinahagi ng Philippine Airlines, mas maraming karagdagang domestic at international flights para ma-accommodate ang volume ng mga pasahero na patuloy sa pagbiyahe.

Sa dami ng volume ng pasahero kailangan talagang magdagdag ng mga domestic at international flights para masilbihan at maihatid ng ligtas sa kanilang mga biyahe

Priority pa rin ng PAL na ipatupad ng mahigpit ang safe flights under the “new normal” para sa protection ng mga pasahero at lahat ng staff ng kumpanya sa ground man o sa himpapawid, bilang pagsunod na rin sa International health at safety protocols.

Umaasa ang ating mga pasahero na patuloy ang ginagawang mga innovations ng PAL para mas convenient at ligtas ang bawat biyahe, domestic man o international.

Sa numero g ibinigay sa Transport@Pasahero ng AirAsia, lumobo sa 553% percent ang total na nailipad ng kumpanya nitong April 2022 kumpara sa kaparehas na buwan noong 2021, nagpapakita na talagang strong momentum ito na balik sigla na ang biyahe ng mga pasahero.

Itong mid-2nd quarter pumalo din sa mataas na 306% ang kabuuang guests na inilipad ng AirAsia kumpara noong 2021 sa kaparehas na panahon.

Ayon kay Ricky Isla, Chief Executive Officer (CEO) ng AirAsia, para ma-sustain ang momentum sa susunod na quarter, ang kumpanya ay nagdagdag pa ng mas maraming flights sa mga lugar na pinagsisilbihan nito na umabot sa 16% para lang sa buwan ng May.

Sa katunayan ngayon May sold na ang halos 130,000 seats.

Committed ang AirAsia sa flexible schedule para mapagsilbihan ng mahusay ang mga pasahero nito, sa mas affordable fares at safest means ng transportasyon sa mga iba’t ibang destinations ng bansa.

Patunay anya ang latest innovation ng kumpanya sa pagkakalunsad ng kanilang Super App Super Travel Fest na nagbibigay ng mas maraming serbisyo sa mas abot na presyo. Ika nga magandang serbisyo pero hindi magaang sa bulsa.

Ibinida rin ng leading carrier ng bansa, ang Cebu Pacific ay umabot ang revenues sa P6.71 billion sa 1st quarter ng taon, nagpapakita ng 148% increase kumpara noong nakalipas na taon.

Patuloy ang pag-invest ng kumpanya sa modernization at committed sa pagbibigay ng affordable at accessible air transport services sa lahat ng pasahero.

Ayon sa mga expert businessmen kaugnay sa airline industry tulad ng mga airline agencies, restaurants, hotels at mga lugar ng bakasyunan kung patuloy ang ganitong trend napakagandang balita ito sa bansa para sa mas mabilis na pag-recover ng ating ekonomiya. ([email protected])

AUTHOR PROFILE