Aiko Melendez & Ogie Diaz

AIKO AT CONG. JAY, ’DI PA KASAL

May 12, 2023 Vinia Vivar 330 views

Itinanggi ng manager at kaibigan ni Aiko Melendez na si Ogie Diaz ang balitang ikinasal na ang aktres sa boyfriend nitong si Congressman Jay Khonghun.

Aniya, wala itong katotohanan at hindi magsisinungaling sa kanya si Aiko.

“Walang sinasabi sa akin si Aiko. Pero kung magkakaroon man ng kaganapan ‘yon, hindi na ako dapat ma-shock. Siyempre, Diyos ko, nasa edad na si Aiko,” sey ni Ogie.

Dagdag niya, marrying type si Aiko, hindi lang naging masuwerte sa pag-aasawa dahil nauwi rin nga sa hiwalayan ang dalawang nauna niyang pinakasalan na sina Jomari Yllana and Martin Jickaine.

Kung ikakasal naman si Aiko ay hindi nito ililihim at proud niyang ise-share sa buong mundo.

In fact, may may possible ninongs and ninangs nang kukunin ang aktres at kabilang na rito si Ogie.

AUTHOR PROFILE