Vi at Boyet

Ate Vi at Boyet, puro take 1 sa Japan shoot

May 12, 2023 Ian F. Fariñas 323 views

NILINAW ni Redgie Acuña-Magno, supervising producer ng reunion movie nina Christopher de Leon at Vilma Santos, na walang naging problema sa shooting ng dalawang big stars sa Tokyo, Japan.

May ilang issues kasi na lumabas na nagkaroon diumano ng hassle habang kinukunan ang mga eksena ng OG loveteam abroad para sa When I Met You in Tokyo.

Pero ‘yun nga, sabi ni Tita Redge masaya at maayos ang naging takbo ng trabaho sa Japan.

Kwento pa niya, sobrang lakas pa rin ng on and off-cam chemistry nina Boyet at Ate Vi na kahit hindi nakakakilig ang eksena, eh, kikiligin ka oras na nagtabi sila.

“Electrifying” ang description niya sa chemistry ng dalawa at talaga raw kakaiba. Masyado ring hands-on sina Boyet at Ate Vi sa pelikula na dapat ay isama na sa credits ang mga pangalan nila.

Bukod dito, puro take 1 pa ang lahat ng eksena nila.

Halos tatlong linggo raw sila nag-shoot sa Japan nu’ng early April pero sina Cassy Legaspi at Darren, dito sa Manila at sa Zambales kukunan ang mga eksena.

“Everything went well,” paglilinaw pa ni Tita Redge.

Ang When I Met You in Tokyo ay mula sa JG Productions sa ilalim ng direksyon nina Rommel Penesa at Rado Peru.

AUTHOR PROFILE