Kim Chiu & Maricel Soriano

Kim, kinilig sa mamahaling sapatos na pamana ni Marya

May 12, 2023 Vinia Vivar 304 views

Kilig na kilig at tuwang-tuwa si Kim Chiu nang makatanggap ng mamahaling sapatos mula sa Diamond Star na si Maricel Soriano.

Sa Instagram Stories na ipinost ni Kim ay mapapanood na inaabot sa kanya ni Marya ang isang pares ng Christian Louboutin shoes.

Sa umpisa pa lang ng video ay napasigaw na sa tuwa si Chinita Princess.

“Oh my God!” sigaw ni Kim habang inilalabas ni Marya ang shoes.

“Oh my gosh!” dagdag pa niya na parang hindi makapaniwala.

Ipinasukat sa kanya ni Marya ang shoes at isinukat naman ni Kim agad-agad.

Pagmamalaki ni Kim, “From the Diamond Star herself,” sabay close-up ng shoes na kulay light brown.

“Kasya siya!” sey ng aktres matapos isuot ang sapatos.

“Pasok sa banga, 5 ½ (shoe size) po ako, eh,” sey pa ni Kim.

Sabi naman ni Marya, “Gusto ko ‘yung color sa ‘yo.”

Sa caption, Kim wrote, “OMG DI PO SYA NAGBIBIRO!!! Magka-size kami ni inay! Kaya ‘eto na po ang pa @louboutinworld. Thank you po ‘nay MEGA. KILIG AKO ng super!”

Sa isa pang IG Story na kanyang ipinost ay nagpasalamat na muli si Kim kay Maricel.

“Hello, mayroon akong pamana,” pagmamalaki ni Kim habang hawak ang shoes na ibinigay ni Marya at pagkatapos ay nag-picture taking silang dalawa.

“Thank you po nay @officialmaricelsoriano. Alagaan ko po ‘to with all my heart! Love you ‘nay!” caption ni Kim.

Sa isa pang IG Story ay larawan naman ng aktres na napakalaki ng smile habang hawak ang shoes.

“Ngiting napamanahan ng Diamond Star! Love you inay @officialmaricelsoriano,” caption naman ni Kim.

Hindi kataka-takang maging close sina Kim at Marya dahil magkasama sila sa upcoming ABS-CBN series na Linlang na kasalukuyan nilang ginagawa.

AUTHOR PROFILE