Default Thumbnail

Ai-Ai nagsorry sa QC

February 22, 2023 Allan L. Encarnacion 249 views

Allan EncarnacionNAGSO-SORRY si Ai Ai delas Alas dahil sa pambabastos niya sa logo ng Quezon City.

Nag-sorry na rin siya kay QC Mayor Joy Belmonte dahil nagpagamit siya sa nakaraang eleksiyon.

Talent lang daw siya at sinunod lang niya ang script. Puwede rin bang soli talent fee dyan?

At nasa script din kaya ang paghingi niya ng dispensa kay Mayor Joy?

***

Magkakaroon pala ng P1 billion bidding project sa BCDA.

Umaasa tayong magiging transparent ang subastahan dyan at walang “sweetheart deal” sa mga malakas na kontraktor.

Kunsabagay, historically ay matino naman ang proseso dyan sa BCDA kaya hindi tayo masyadong nababahala sa paparating na public bidding.

***

Sino itong isang pulitiko na 17% daw ang hinihinging komisyon sa mga proyekto?

Nagtanung-tanong tayo kung totoo nga bang 17% ang gusto ni pulitiko. “Mali po, mas mataas pa sa 17% ang hinihingi niya.”

***

Ten percent as in 10% lang dapat ang komisyon at naroon na lahat mula sa barangay, kongresista hanggang sa alkalde.

Ibig sabihin, maximum of 2 to 3% lang ang puwedeng kitain para hindi masakripisyo ang kalidad ng mga government projects dahil may matitira pang 90%.

Pero kung 17% or more ay para sa kanya pa lang, ano pa ang matitira para sa mga proyektong pambayan?

[email protected]