Dong

AI ’90s Yearbook Challenge, patok sa celebrities at netizens

October 3, 2023 Vinia Vivar 519 views

YassiMeganJolinaAlexaSarahUsung-uso ngayon sa celebrities ang AI (Artificial Intelligence) ’90s Yearbook Challenge. Ito ‘yung AI mobile application kung saan ay magta-transform ang mga photo mo into vintage yearbook taken in the ’90s.
Aliw na aliw ang ating celebrities sa bagong app na ito na nakakaganda naman talaga.
So, far ay napakarami na ngang kumasa sa challenge at ilan dito sina Jolina Magdangal, Dingdong Dantes, Alex Gonzaga, Yassi Pressman, Megan Young, Mikael Daez, Derrick Monasterio, Maxine Medina, Sarah Lahbati, Thia Thomalia, etc.
Pati ang fans nila ay aliw na aliw sa mga hitsura ng mga idolo sa filtered photos nila at kanya-kanya silang komento.
Isa sa mga nakakaaliw na post ay ang kay Dingdong na nilagyan niya ng caption na “Ai, mali. #AI90sYearbookGoneWrong. (Paano ba tong AI na ‘to? Help…”)
Laugh trip ang kapwa-celebrities and fans sa larawan ni Dong.
Hit na hit din ang Ai photos ni Alex Gonzaga na ang daming nag-comment na kapwa-artista.
Caption ni Alex, “Sana nung naggraduate ako may Ai na dahil talagang na-edit ko sana ng malala pictures ko. Sa halagang 299 pesos am-girl dating ko Catherine Gonzaga, 2005. A simple and yet sweet girl with an extraordinary dream. I’ll miss my pals and buddies. See you in LA holla.”
Komento ni Luis Manzano, “Lahat ng pic, halatang nangongopya lang sa katabi.”
Sey naman ni Mariel Rodriguez, “Mas maganda ka sa normal kesa sa graduation. Ibig sabihin… no filter needed.”
‘Yung mga Ai photo naman ni Yassi, sabi ng aktres ay hindi niya kamukha.
“Soooooooo…. I had to try this AI thing?! mej scary mga sizt, di ko rin kamuka most but these are some of my picks! what do you guys think??? ako, yung last pa yung favorite ko! kayo?” ani Yassi.
Sa caption naman ni Thia, tulad din ni Alex ay nagbayad siya ng P299 para sa nasabing app.
“Shared AI information and paid 299 for these… what are your thoughts?? The last one definitely is my favorite,” ani Thia.

AUTHOR PROFILE