Juliever

RAYVER, ‘END GAME’ RIN NI JULIE ANNE

October 3, 2023 Vinia Vivar 235 views

Inamin ni Julie Anne San Jose na si Rayver Cruz na ang “the one” at “end game” para sa kanya.

Sa guesting ng Asia’s Limitless Star sa Sarap ‘Di Ba? ay nahingan siya ng reaksyon sa sinabi ni Rayver sa isang interview na si Julie Anne na ang kanyang end game.

Tanong ni Cassy Legaspi kay Julie Anne, “Sa isang interview, sinabi ni Rayver na ikaw ang kanyang end game. Kung ikaw ang tatanungin, do you feel the same way? Is he the one?”

Kaagad na sagot ng aktres/singer, “Yes, I feel the same.”

Kinilig naman ang lahat ng hosts sa sagot ni Julie Anne na confident na confident daw.

Paliwanag ng GF ni Rayver, “Gano’n naman talaga. When you love someone kasi you should feel secure. And I feel secure with him.”

Dagdag pa niya, “’Pag nasa isang relationship ka kasi, wala dapat hirap. Of course, may mga challenges, but you get through it together.”

Natanong naman ni Carmina Villarroel kung nalalapit na ba ang ‘end game’ na ito or nag-e-enjoy lang at chill lang muna sila.

“Right now naman, talagang happy kami, enjoying each other’s company. And then, siyempre, we’re making the most out of it. Ine-enjoy n’yo lang ‘yung time n’yo together,” sey ni Julie Anne.

“Wala namang pressure. At ‘pag nandoon na ‘yun, mararamdaman mo naman ‘yun in God’s time,” dugtong pa niya.

AUTHOR PROFILE