Julia

Gerald sa isyu ng kasal kay Julia: Mas marami pang problema sa mundo…

October 3, 2023 Vinia Vivar 231 views

Sa ABS-CBN Ball 2023 ay naitanong na naman kina Gerald Anderson at Julia Barretto ang tungkol sa pagpapakasal.

But this time ay hindi naman napikon si Julia at natatawa na lang siya habang sinasagot ni Gerald ang tanong.
Mas marami pang problema sa mundo ngayon kesa… pero you know, darating tayo (riyan)… basta, basta,” natatawang sagot ni Gerald sa napanood naming video interview nila.

Magka-holding hands pa ang dalawa habang kinakapanayam at masaya pang nagpasalamat sa mga nag-interview.

Matatandaan kasing medyo na-bad trip si Julia nang ma-ambush interview kamakailan sa Preview Ball 2023 at matanong tungkol sa isyu ng kasal with Ge.

May anghang sa sagot ng aktres na “why are you rushing us?” at idagdag pa nga nag-walk-out siya nang matanong kung ano ang reaksyon niya sa pagbabatian nina Gerald at Maja Salvador sa FIBA World Cup 2023.

This time, sa ABS-CBN Ball 2023 ay halatang happy at nasa mood si Julia na marahil ay dahil kasama niya kasi ang boyfriend.

Sa isang separate interview ay inamin naman ng aktres na happy siya na nakadalo sila ni Gerald sa Ball.

First time um-attend ang JuRald together sa nasabing event as a couple.

“I’m really excited to be here, but I’m even more excited that I get to do this together with Ge,” sey ni Julia sa interview.

Dumalo rin sa ABS-CBN Ball 2023 si Maja with husband Rambo Nunez at ang tanong ng fans ay kung nagkita-kita kaya sila nina Julia at Gerald.

AUTHOR PROFILE