
NETIZENS, MASAYA PARA KINA KIM AT MAJA
Viral ngayon sa social media ang larawan nina Maja at Kim Chiu na masayang nagyayakapan nang magkita sa ABS-CBN Ball 2023.
Ito ay pagpapatunay na walang samaan ng loob ang dalawa sa isyung hindi naimbitahan ni Maja si Kim sa kanyang kasal with Rambo sa Bali.
Maging ang kani-kanilang fans ay natuwa na makitang all’s well sa pagitan ng magkaibigan.
“Maturity, moving on, both are blessed in their career, love life, life is too short to dwell on their past issue,” komento ng isang netizen.
“Andon na tayo sa nagkalamat ang friendship but people like them na masayahin, mababait at mukhang walang bitterness sa buhay possible na genuine ang pinapakita nila na at peace sila,” sey naman ng isang fan.
“If you’re both happy with your own lives, moving on from the hurt of the past is not hard to do,” komento naman ng isa pang social media user.
“Agree wala sila issue, normal na may magkakaibigan na nagkaka falling out, but look at them, mature and still talking despise of the past,” reaksyon ng isa pa.