Aga

Aga, na-excite sa best actor nomination

October 27, 2022 Vinia Vivar 327 views

Masayang-masaya at hindi makapaniwala si Aga Muhlach na nominado siya as best actor in a leading role sa 27th Asian Television Awards para sa kanyang drama series na Suntok sa Buwan ng TV5.

Ini-repost ni Aga sa kanyang Instagram account ang post ng pagbati sa kanya ng Projects 8 Projects, producer ng Suntok sa Buwan.

Ayon sa caption ni Aga, ito ang kanyang first-ever teleserye kaya naman happy siya na na-nominate siya kasama ang iba pang mga aktor sa Asia.

“Unbelievable! Only found out last night. Such wonderful news to be nominated for my first ever serye with actors from all over Asia. No words, just gratitude. Thank you @project8projects @tv5manila @cignalplay @cignalentertainment,” ang simula ni Aga.

Halata ngang super happy ang aktor at aminado siyang nakaka-excite pa rin ang makatanggap ng nominasyon.

“Hahahaha this was unexpected! But hey, I’ll take this one! Maraming salamat! Sorry for posting. nabigla lang po and nakak excite pa rin pala,” aniya.

“First of firsts, still at this point in time. Thank you, Lord! You never fail to surprise me! Salamat po sa inyong lahat! Love you guys! @geoderic @danvillegas @tonetjadaone @reignannedeguzman and everyone involved sa Suntok sa buwan! patuloy ng aktor.

Sa huli ay sinabi niyang masaya na siya sa nominasyon pa lang at kahit hindi na manalo.

“It could stop with my nomination and I’m the happiest already!! It’s my experience working with our cast, staff and crew ang panalo ko dito! Cheers!” pahayag ni Aga.

Gaganapin ang Asian Television Awards sa December 1 sa Aliw Theater sa Pasay City at sa December 8 sa Resorts World Sentosa sa Singapore.

AUTHOR PROFILE