BGYO

Alamat nakagugulat ang popularity

October 28, 2022 Aster Amoyo 624 views

ISA kami sa nagulat sa popularity ngayon ng sing-rap and dance boy group na Alamat na binubuo ng anim na talent young talents (mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa) na sina Alas, Tomas, R-Ji, Taneo, Mo and Jao.

Next to P-Pop group na BGYO, ang Alamat ang kinu-consider na next big thing bilang popular boy band sa Pilipinas. The group is considered the second P-Pop group to make it on Billboard chart and the first rising Pinoy act

Ang Alamat was formed in 2020 sa gitna na pandemic ng Viva at ng Ninuno Media na pinamumunuan ng mahusay na writer-director na si Jason Lacsamana.

Dahil sa pandemic, idinaan sa online ang national search, ang PWEDE: The National Boyband Search kung saan napili ang siyam na original members ng Alamat, isang multi-ethnic group na nagmula sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas who speaks different dialects tulad ng Tagalog, Ilocano, Kapampangan, Cebuano, Hiligaynon, Bicolano at Waray-Waray.

Out of the nine members ay anim na lamang ang natira sa grupo nang umalis si Kin for personal reasons na sinundan nina Valfer at Gani nung late March 2021.

Sa halip na palitan ang tatlong original members ng Alamat ay hinayaan na lamang na maging anim ang miyembro ang grupo.

It was on February 14, 2021 nang ilabas ng Alamat ang kanyang debut single na pinamagatang “kbye” na agad pumasok sa Billboard Chart – Philippines at No. 2 and considered them the fastest-rising Pinoy act..

Bukod sa kanilang singles, mainit din ang pagtanggap ng kanilang growing fans (globally) sa kanilang debut album na pinamagatang “Pasulong”.

During the grand launch of their album na ginanap sa Philippine Stock Exchange Auditorium in Ortigas Center, nagulat din kami na ito’y dinagsa ng kanilang mga fans at doon lamang namin nalaman kung gaano na sila kasikat ngayon.

At the launch ay kinanta ng boy band ang ilang cuts ng kanilang debut album at kasama na rito ang “Aswang,” “Pasulong,” “Maharani” at iba pa.

Pero sa kabila ng kanilang kakaibang music with ethnic sound, napakalaki pa rin ng impluwensiya sa grupo ng K-Pop dahil sa kanilang looks ang styling.

Sarah

Sarah nalagay sa Equal campaign sa NY Times Square

ANG Pinoy Pop superstar na si Sarah Geronimo ang pinakabagong Filipino celebrity na nalagay sa digital billboard ng Times Square in New York City, USA na ang pinakahuli ay ang Kapamilya young star and other half ng DonBelle loveteam na si Belle Mariano.

Ang misis ni Matteo Guidecelli ay nalagay sa Times Square billboard na may kinalaman sa “Equal” campaign on Spotify.

Marami na rin sa mga fans ni Sarah ang nasasabik sa kanyang muling pagbabalik sa “ASAP Natin `To,” maging sa concert scene at sa kanyang muling paggawa ng bagong song and new movie.

Sarah is one of the best-selling Filipino artists and most streamed artist on Spotify.

Malayo na talaga ang narating ng grand winner ng “Star for A Night” reality singing search in 2003 na instantly ay naging build-up star ng Viva Artists Agency.

JM

JM at Donnalyn may relasyon na?

MATAGAL na ring walang ka-relasyon ang singer-actor na si JM de Guzman magmula nang magkahiwalay sila (for the second time) ng kanyang ex-girlfriend na si Jessy Mendiola, now married to host-actor and entrepreneur na si Luis Manzano and about to have their first baby.

Ang singer-actor ay nali-link ngayon sa Viva singer-songwriter, actress at successful vlogger na si Donnalyn Bartolome at hindi ikinakaila ng singer-actor na may gusto umano siya sa dalaga na nagkataong kaibigan din niya.

Naniniwala rin ang marami na may espesyal nang ugnayan ang dalawa na wala namang magiging problema dahil pareho naman silang single and unattached.

Samantala, matapos mapanood si JM sa hit primetime TV series na “Init sa Magdamag” nung nakaraang taon, tiyak na aabangan na naman ng mga manonood ang bago niyang ginagawang teleserye, ang “Linlang” na pinagsasamahan nila nina Paulo Avelino, Kim Chiu at Maricel Soriano mula sa magkatulong na direksiyon nina Jojo Saquin at Manny Palo under Dreamscape Entertainment na pinamumunuan ni Deo Endrinal.

Dingdong

Dingdong nagi-enjoy sa ‘Family Feud’

HINDI ikinakaila ng primetime king na si Dingdong Dantes na sobra umano siyang nagi-enjoy sa pagiging host ng Filipino franchine ng American TV game show na “Family Feud” which started in 1976 created by Mark Goodson and originally hosted by Richard Dawson hanggang magkaroon ito ng ibang host tulad nina Louie Anderson, Richard Cams, John O’Hurley at ang present host na si Steve Harvey (since 2010) at franchise sa iba’t ibang bansa including the Philippines.

Kung ang mister lamang ni Dingdong ang masusunod, gusto niyang manalo parati ang mga contestants pero isa itong game show na may mananalo at matatalo.

Ang “Family Feud” ang pumalit sa dating daily game show ni Willie Revillame, ang “Wowowin” sa Kapuso network and luckily for Dingdong, siya ang napisil ng TV network to host the popular game program na nag-originate sa America.

Sanay na si Dingdong mag-host ng isang TV show, pero kakaiba ang dating sa kanya ng “Family Feud”.

On his being a family man, kitang-kita rin sa actor-host ang pagiging fulfilled.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@asteramoyo.

AUTHOR PROFILE