Default Thumbnail

ABS-CBN AT KUMU, GAGAWA NG PELIKULA

July 2, 2021 Vinia Vivar 501 views

IPinagsigawan ng Kapamilya fans ang kanilang pagmamahal sa ABS-CBN sa gitna ng krisis na pinagdadaanan nito sa pamamagitan ng social media kung saan naging top trending topic sa Twitter Philippines ang #KapamilyaForever at pumasok sa worldwide trending topics last Thursday na timing din sa pagpirma ni Bea ng kontrata sa GMA.

Sey ng fans, patuloy nilang susuportahan ang ABS-CBN at maghihintay sa pagbabalik nito sa free TV.

May mga netizen din na hinangaan ang ABS-CBN dahil sa pagbibigay nito ng break sa mga bagong talent tulad na lang ng tambalang Donny Pangilinan at Belle Mariano na gumagawa ng ingay dahil sa serye nilang He’s Into Her na top 1 sa listahan ng most-watched series sa iWantTFC.

Marami ring fans ang nagpapasalamat sa tanyag na talents ng ABS-CBN na piniling manatili sa kanilang tahanan kahit walang katiyakan.

Ilan sa mga nabanggit ay sina Angel Locsin, Kathryn Bernardo, Daniel Padilla, Jodi Sta. Maria, Vice Ganda, Liza Soberano, Toni Gonzaga at Sarah Geronimo.

Lumakas pa ang loob ng Kapamilya fans nang mag-tweet din si Anne na hindi siya aalis sa bakuran ng ABS-CBN dahil babalik pa siya sa It’s Showtime para muling makasama ang madlang pipol.

Speaking of forever, mukhang may road to forever din ang lumalakas na partnership ng ABS-CBN at Kumu dahil inanunsyo nila kahapon (Hulyo 2) na magkakaroon sila ng pelikulang ipapalabas this year.

Mismong si Direk Olive Lamasan, managing director ng ABS-CBN Films, ang naglahad ng pasabog na announcement sa livestream ng Star Magic sa Facebook page nito.

Ani Inang Olive, walang iba kundi si Direk Cathy Garcia-Molina ang magiging director ng movie project na ito ng Star Cinema at Kumu.

Wala pang masyadong detalye ang proyekto, pero sure raw na nakakakilig ito dahil kay Direk Cathy at nakasentro rin sa usapang pamilya.

Pagbibidahan daw ito ng rising stars ng ABS-CBN mula sa Star Magic at Rise Artists at magiging isa sa mga dapat abangan ng solid Kapamilya fans dahil history in the making ang gagawin nilang movie.

Grabe, kahit walang prangkisa, ’andito pa rin talaga ang ABS-CBN para magbigay sa atin ng saya. Abangan na lang natin ang iba pang pasabog nila.

AUTHOR PROFILE