Bea

Kapuso leading men, nakapila kay Bea

July 2, 2021 People's Tonight 456 views

MAGRE-RECHARGE muna sa ibang bansa si Bea Alonzo bago sumabak sa trabaho bilang bagong Kapuso artist.

Pero bago umalis, sumalang muna siya sa isang one-on-one interview kay Jessica Soho na ipalalabas this Sunday sa Kapuso Mo, Jessica Soho.

Kinunan ito sa mismong farm ng aktres sa Zambales.

Nakapila na nga ang GMA leading men na gustong makatrabaho si Bea, huh!

Sa virtual event para sa kanya, inamin niyang gusto niya muling makatrabaho si John Lloyd Cruz.

‘FLEX,’ PAPALIT SA ‘…GENS’

GOODBYE na sa ere ang Game of The Gens na hinu-host nina Andre Paras at Sef Cadayona.

Naging guest co-host ni Sef sa nakaraang episodes si Ruru Madrid dahil sumalang na marahil sa basketball practice si Andre.

Kaya simula ngayong Sunday, July 4, kapalit ng Game of the Gens ang youth-oriented gag, musical at variety na swak sa tinatawag na Gen Zs ngayon, ang FLEX.

Hosts sa show sina Mavy Legaspi, Althea Ablan at Joaquin Domagoso.

Ang ibig sabihin ng Flex na uso sa kabataan ngayon ay i-showcase o ipakita sa lahat. Ni Jun Nardo

AUTHOR PROFILE