Tugade

Memo sa driving school rates, patuloy – LTO

March 30, 2023 Jun I. Legaspi 344 views

WALANG plano ang Land Transportation Office (LTO) na ipagpaliban ang pagpapairal simula sa Abril 15 ng Memorandum Circular JMT-2023-2390 na layong magtakda ng limitasyon sa halaga ng sisingilin ng mga driving school sa mga aplikante ng driver’s license.

Binigyang-diin ni LTO Chief Jay Art Tugade na hindi na maaaring ibitin pa ang bagong polisiya na tugon sa lumalakas na panawagan ng publiko para sa mas abot-kayang halaga ng pagkuha ng lisensiya ng pagmamaneho.

“Malabo na nating ipagpaliban pa ang implementasyon ng bagong driving school rates. Hindi puwedeng maging bingi ang LTO sa mga panawagan ng higit na nakararami laban sa napakamahal na bayarin sa mga driving school. Panahon na para maging abot-kaya sa publiko ang pagkuha ng driver’s license nang hindi nakokompromiso ang kalidad ng pagkatuto ng mga aplikante,” diin ni Tugade.

“Sadya nating itinulak ang pinamurang halaga ng driving school courses upang mabigyan ng pagkakataon ang maraming nais na magkaroon ng driver’s license para sa kanilang hanapbuhay pero hindi lang maipursige dahil sa mataas na singilin sa ngayon,” dagdag pa nito.

Kasabay nito’y naninindigan ang LTO Chief sa itinakdang maximum prescribe rates para sa mga driving school dahil dumaan ito sa mga konsultasyon at makatwirang “cost-analysis” ng Technical Working Group (TWG) ng ahensiya.

“The LTO stands firm with the maximum rates it has prescribed for driving schools. The said price ceiling has undergone sufficient consultation and an in-depth cost analysis by the TWG. In coming up with these rates, it was the objective of the LTO to lower the exorbitant fees charged by some driving schools but, at the same time, not to deprive the accredited driving school of a reasonable rate of return on their investment,” punto pa ni Tugade.

Samantala, iginiit ni Tugade na dumaan sa serye ng konsultasyon kasama ang mga driving school ang pagkakabuo ng Memorandum Circular JMT-2023-2390.

“In fact, the expenditure items and the costs used by the TWG in its cost analysis to arrive at the prescribed maximum rates came from the driving schools. Contrary to the allegations that their inputs were disregarded or not considered by the LTO, the price of the TDC was increased based on their feedback,” ayon pa sa LTO chief.

Kaugnay naman sa usapin ng walong oras na Practical Driving Course (PDC), sinabi ni Tugade na dumaan ito sa masusing pag-aaral ng LTO at matagal na ring pinaiiral mula noong Agosto ng taong 2020 ngunit walang natatanggap na reklamo ang ahensiya hinggil dito.

Bukod dito, tanging ang LTO lang aniya ang makatutukoy kung sapat o kulang ang walong oras na pagsasanay upang matuto at masubok ang kakayahan ng isang aplikante sa ligtas na pagmamaneho.

“The determination of whether the duration of eight hours is sufficient to produce a qualified driver ultimately falls within the competence of the LTO since the ability of an applicant to drive safely is assessed during the practical examination administered by LTO driving skill raters,” dagdag pa ni Tugade.

Hindi naman pinagbabawalan ng LTO ang mga driving school na mag-alok ng value-added services tulad ng hatid-sundo, ngunit kailangang pasok pa rin ito sa itakdang halaga ng ahensiya.

“They must work within the allowable rates when offering value-added services without resorting to charging additional fees,” pahayag ng LTO Chief.

AUTHOR PROFILE