DA Source: DA file photo

P4B halaga ng agri nasira sa El Nino

April 30, 2024 Chona Yu 74 views

UMABOT na sa P4.93 bilyong halaga ng agrikultura ang nasira dahil sa El Nino o matinding tag-init.

Ayon kay Presidential Communications Office Assistant Secretary at Task Force El Nino spokesperson Joey Villarama, katumbas ito ng 77,731 ektaryang lupang sakahan.

Nasa 131 na siyudad at munisipalidad naman aniya ang nag-deklara ng state of calamity. Kabilang na ang pitong probinsya ng Occidental Mindoro, Antique, Sultan Kudarat, Basilan, Maguindanao del Sur, Maguindanao Del Norte at South Cotabato.

Ayon kay Villarama, kahit patapos na ang El Nino, hindi pa rin dapat na maging kampante ang gobyerno.

Kaya patuloy aniya ang panawagan ng gobyerno na magtipid sa paggamit ng tubig pati na ng kuryente.

Nangangamba si Villarama na maapektihan ang food supply sa bansa dahil sa epekto ng tag-init.

Ayon kay Villarama, nagsagawa na ng cloud seeding ang pamahalaan sa Region habang ikinukunsidera naman ang pagsasagawa ng kahalintulad na hakbang sa ibang lugar.

Dagdag pa ni Villarama, inanunsyo n ani Budget Secretary Amenah Pangandaman na may P15 bilyong inilaang pondo ang pamahalaan para sa El Nino para ipang-ayuda sa mga naapektuhan.

AUTHOR PROFILE