DOT LAUNCH IT–Pinangunahan ni Department of Tourism (DOT) Secretary Christina Garcia Frasco ang mga pinuno ng pamahalaang panlalawigan sa Region 10 (Northern Mindanao) sa paglalaro ng Maranao kulintang para pormal na buksan ang ikalawang Mindanao Tourism Expo (MTEx) sa Atrium, Limketkai Center, Cagayan de Oro City.

2nd MTEx inilunsad ng DOT

April 30, 2024 Jonjon Reyes 119 views

INILUNSAD ng Department of Tourism (DOT) ang ikalawang edisyon ng Mindanao Tourism Expo (MTEx) sa Atrium, Limketkai Center sa Cagayan de Oro City noong Abril 26-28, 2024.

Sa temang “Limitless Adventures in Mindanao,” itinampok ng MTEx ang mga destinasyon sa Northern Mindanao gayundin sa iba pang rehiyon.

Kabilang sa itinampok ang Zamboanga Peninsula (Region 9), Davao (Region 11), Soccsksargen (Rehiyon 12), CARAGA (Rehiyon 13) at Autonomous Region ng Bangsamoro sa Muslim Mindanao (BARMM).

Naglalayong palakasin ng programa ang posisyon ng Cagayan de Oro bilang isa sa main tourism areas sa Mindanao.

“Ang Mindanao Tourism Expo ay isang flagship program ng administrasyong Marcos na kumikilala sa napakalaking potensyal ng Mindanao na tulungan ang Pilipinas na maisakatuparan ang bisyon ng Pangulo ng pagbabago na ang Pilipinas ay maaaring maging susunod na sentro ng turismo sa Asia,” ayon kay DOT Secretary Christina Garcia Frasco, isa sa mga speakers ng expo.

Bukod sa mga product presentation at selling booth na nilahukan ng lahat ng DOT Regional Offices, isang business-to-business (B2B) forum para sa mga manlalaro ng paglalakbay at turismo ang naganap sa Mallberry Suites Business Hotel sa ikalawang araw ng expo noong Abril 27.

Itinatampok din ang magagagndang tanawin sa Camiguin, CDO-Bukidnon, Misamis Oriental at Misamis Occidental mula Abril 29 hanggang Mayo 1, 2024.

“Pagkahuman niiini ang atung mga stakeholders na mibisita dito sa Mindanao, dad-o nila ang manindot na balita sa ilang mga lugar na ready na ang Mindanao para sa turismo,” sinabi ng kalihim ng DOT.

Binigyang-diin ng mga speakers ang walang kapantay na mga pasyalan, masasarap na lutuin, mayaman at magkakaibang kultura, biodiversity at ang init at mabuting pakikitungo ng mga tao sa buong probinsya ng Mindanao.

Ibinahagi ni Secretary Frasco na isa sa mga unang bagay na nakita niya bilang prayoridad sa kanyang panunungkulan bilang DOT chief ang buong pagbubukas, pagsulong at pag-unlad ng Mindanao.

Alinsunod sa National Tourism Development Plan (NTDP) 2023-2028 ng administrasyong Marcos, binigyang-priyoridad ng DOT ang mga pangunahing sangkap para sa pag-unlad ng turismo ng bansa, kabilang ang imprastraktura, koneksyon, digitalization, pagpapahusay ng karanasan sa turista at mas malakas na pamamahala sa turismo sa pagitan pampubliko at pribadong mga stakeholder ng turismo.

Ibinahagi ni Secretary Frasco na naglulunsad ng Tourist Rest Areas (TRAs) sa buong Pilipinas.

May dalawa mula sa unang batch ng mga TRA na itinayo sa Manolo Fortich, Bukidnon at Island Garden City of Samal (IGaCoS) sa Davao del Norte, habang nagtatayo ng higit pa sa ibang mga lalawigan sa Mindanao.

Inilunsad din ng DOT ang Tourism Champions Challenge (TCC) na naglalayong bigyan ng insentibo ang mga proyekto sa turismo ng mga local government units (LGUs) na sustainable, inclusive at resilient.

Ang lumalagong atensyon para sa Pilipinas mula sa mga turista sa buong mundo, sinabi ni Secretary Frasco, ay pinatunayan ng paglampas sa dalawang-milyong tourists arrivals sa unang tatlong buwan ng 2024.

AUTHOR PROFILE