Mindoro

MinOr gov nanguna sa inauguration ng Bahay Kanlungan

April 30, 2024 Jojo C. Magsombol 75 views

PINASINAYAAN sa pangunguna ni Gov. Bonz Dolor noong Sabado ang bagong gusali sa Bahay Kanlungan (BK) sa Barangay Ilaya, Calapan City kasabay ng 15th anniversary ng pagkakatatag ng naturang institusyon.

Pinangunahan ni Dolor, katuwang si Board Member Fay Ilano, ang ribbon cutting ng dalawang palapag na gusali na nagkakahalaga ng mahigit P8 milyon.

Ayon sa gobernador, sinisikap ng pamahalaang panlalawigan na maibigay ang magandang pasilidad para sa mga batang nasa pangangalaga ng BK.

Pinasalamatan din ng gobernador ang mga stakeholders na katuwang ng kaniyang pamunuan sa pagtataguyod ng karapatan at kagalingan ng mga kabataan na nasa pangangalaga ng BK.

Pinangangasiwaan ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) ang BK sa pamumuno ni PSWD Officer Sarah Magboo.

AUTHOR PROFILE