Default Thumbnail

Negosyante ninakawan ng P1.8M, alahas sa bahay

April 30, 2024 Dennis Abrina 105 views

DASMARINAS CITY, CAVITE— Tinadtad ng saksak sa buong katawan ang isang negosyante sa Dasmariñas makaraang pagnakawan ng aabot sa P1.8 milyon ng tatlong holdaper noong Lunes sa Brgy. Burol Main ng syudad na ito.

Patay na ang biktimang si Wil ng Chester Place Subdivision, Brgy. Burol-Main, Dasmariñas City, Cavite ng dalhin sa ospital matapos pagsasaksakin at pagnakawan dakong alas-2:40 ng madaling araw.

Ayon sa report, sakay ang biktima ng kanyang Toyota Hilux (DAT 1211) at magpa-park na nang biglang sinunggaban ng tatlong suspek at sumakay sa sasakyan ng biktima.

Tinutukan ng mga suspek ang biktima ng baril at patalim bago sinabihan na ituloy ang drive papasok ng bahay.

Agad pumasok sa loob ng bahay ang mga suspek bitbit ang biktima at iginapos ang asawa ni Wil na si alyas Annie gayundin ang biktima.

Nilimas ng mga suspek ang P1.8 milyon, alahas at mahahalagang gamit sa loob ng bahay.

Tumakas ang mga suspek gamit ang sasakyan ng biktima. Humingi ng tulong ang asawa niya para dalhin sa ospital ang biktima pero dahil sa dami ng saksak na tinamo, hindi na ito umabot ng buhay sa ospital.

AUTHOR PROFILE