Martin1 Pinangunahan ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez, habang inaasiste nina Benguet Governor Melchor Diclas, Lone District Rep. Eric Go Yap, ang pamimigay ng Start-up Investment Business Opportunity and Livelihood (SIBOL) Program sa 3,000 beneficiaries sa Cordillera Career Development College (CCDC) Gymnasium sa La Trinidad Benguet, Linggo ng umaga. Kasama nila ang 62 pang ibang district at partylist House Members na pinangunahan ni Senior Deputy Speaker Aurelio “Dong” Gonzales Jr., Deputy Speaker David “Jayjay” Suarez, Majority Leader Manuel Jose “Mannix” Dalipe, at ibang government officials.Kuha ni VER NOVENO

8K residente ng Benguet nabigyan ng bigas, pera, pangkabuhayan

April 21, 2024 People's Tonight 90 views

MartinMartin2Sa inisyatiba ni Speaker Romualdez

UMABOT sa 8,000 residente ng Benguet ang nakatanggap ng kabuuang P25 milyon halaga ng pera at bigas sa ilalim ng tatlong programa na itinaguyod ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez.

Ang distribusyon ng tulong sa ilalim ng Cash and Rice Distribution (CARD) Program, Integrated Scholarships and Incentives Program (ISIP) for the Youth, at Start-up, Investment, Business Opportunity and Livelihood (SIBOL) ay sumabay sa paglulungsad ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair (BPSF) sa Benguet na ginanap ngayong Abril 21 hanggang bukas, Abril 22.

“Simula po noong sinimulan natin ang mga inisyatibang ito sa tulong ng mga ahensya ng pamahalaan, madami na tayong natulungan sa hanay ng mga vulnerable sectors, sa ating mga estudyanteng nangangailangan at sa ating mga maliliit na negosyante,” ani Speaker Romualdez, lider ng Kamara na mayroong mahigit 300 miyembro.

“Nais natin itong ipagpatuloy, kasabay ng ating BPSF sa mga lalawigan, para mas madami tayong maabot na mamamayang nangangailangan ng tulong para sa pang-araw-araw na pangangailangan, sa kanilang pag-aaral at sa kanilang pamumuhunan,” dagdag pa nito.

Para sa CARD Program, kabuuang 75,000 kilo ng bigas ang ipinamigay sa 3,000 benepisyaryo sa Benguet na kinabibilangan ng mga mahihirap, senior citizens, PWDs, single parents, at mga breadwinner ng kanilang pamilya.

Sa kanyang talumpati, kinilala ni Speaker Romualdez ang kontribusyon ng Benguet sa Cordillera Administrative Region. Sa probinsya nagmumula ang 88% ng gulay at 59% ng bigas na nalilikha sa rehiyon.

“Kaya nga po karangalan namin na masuklian ang kasipagan ng kababayan nating mga taga-Benguet, sa pamamagitan ng iba’t ibang programa ng pamahalaan, kabilang dito ang Cash Assistance and Rice Distribution o CARD,” ani Speaker Romualdez.

“Ang CARD program po ay binuo ng tanggapan ng inyong lingkod, kasama ng DSWD (Department of Social Welfare and Development) at ng NFA (National Food Authority) at naglalayong tugunan ang pagtaas ng presyo ng bigas at iba pang mga pangunahing bilihin. Beneficiaries of this program do not only receive rice but also financial assistance that may be used to start new livelihood activities or boost existing ones,” dagdag pa nito.

Sa ilalim ng CARD Program, nakatanggap ang may 3,000 benepisyaryo ng P2,000 cash aid at 25 kilo ng bigas mula sa Assistance to Individuals In Crisis (AICS) program ng DSWD.

“Sa programang ito, at iba pang programang ipinatutupad ng mahal na Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., nakikita po natin ang potensyal ng pagkakaisa – mga sangay ng pamahalaan, nagsasama-sama ng puwersa upang mas maging epektibo at mas marami pa ang maabot ng kanilang mga serbisyo,” deklara ni Romualdez.

“Kaya nga po magkaisa tayo, tungo sa sama-sama at mas mabilis nating pag-unlad.”

Target naman ng ayuda para sa ISIP for the Youth ang mga estudyante sa kolehiyo at vocational courses na bibigyan ng tig-P2,000 cash aid kada anim na buwan sa ilalim ng AICS ng DSWD.

“Bawat isa po sa inyo ngayon ay nagbibigay pag-asa sa amin dahil mayroon pa ring mga kabataan na hindi nagpapatalo sa kahirapan, bagkus ay nagpupursigi pa rin para maabot ang pangarap na magandang edukasyon na siyang susi ng mas magandang buhay,” wika pa ni Romualdez.

“Ang programang inilulunsad natin ngayong araw at isang matibay na patunay na ang pamahalaan ay handang tulungan ang lahat na nagnanais na mapabuti ang kanilang kalagayan sa buhay – dahil alam natin na ang tagumpay ng isa ay tagumpay ng bayan,” sabi pa nito.

Sa ilalim ng programa, kinilala rin ang mga benepisyaryo na kuwalipikado sa Tulong Dunong Program (TDP) ng CHED na makatatanggap ng kabuuang P15,000 tulong kada semestre. Sila ay kuwalipikado rin sa Government Internship Program (GIP) sa kanilang pagtatapos.

Ang mga magulang at guardian na walang trabaho ay maaari ring mag-enroll sa DOLE-TUPAD Program.

“Sa ating pagsasama-sama, mas madali nating mapagtatagumpayan ang lahat ng hamon ng panahon, at mas mabilis makamit ang masaganang kinabukasan na inaasam ng lahat.”

Para naman sa SIBOL Program, P15 milyong halaga ng financial assistance ang ipinamigay sa ilalim ng AICS ng DSWD sa 3,000 benepisyaryo.

“Binuo po natin ang SIBOL kasama ng DSWD, DTI at DOLE upang mabigyang tulong ang marami sa ating mga kababayang nagnanais mag-negosyo. Ang bawat negosyong naitatayo ay nagiging paraan upang mas marami pang mga Pilipino ay magkaroon ng trabaho,” saad pa ni Romualdez.

Layunin ng SIBOL na tulungan ang mga bagong negosyante upang makaahon sa kahirapan ang mga ito at makapagbigay ng trabaho sa iba.

Ang mga micro, small and medium enterprises (MSME) business owners ay binigyan ng tig-P5,000 cash aid sa ilalim ng AICS Program at limang kilong bigas.

“Ito po ang dahilan kung bakit inilulunsad natin ngayon ang programang SIBOL dito sa lalawigan ng Benguet. Nais po natin mas lalong mapabilis ang pag-unlad ng mga kababayan. Naniniwala po kami sa bawat isang taga-Benguet na naririto sa inyong angking kakayahan na magnegosyo at matulungan ang iba pa nating mga kababayan,” dagdag pa ni Romualdez.

AUTHOR PROFILE