Default Thumbnail

5-ANYOS GINAHASA!

March 1, 2024 Melnie Ragasa-limena 141 views

Ni ‘Rommel Padilla’, basurero

KALUNOS-LUNOS ang sinapit ng isang 5-anyos na bata nang pagsamantalahan umano ng isang basurero na kapangalan ng aktor na si Rommel Padilla matapos bumili ng tinapay sa tindahan sa Quezon City.

Kasong statutory rape ang kinakaharap ni Padilla, alyas Pugak, na isang garbage collector at residente ng Barangay Payatas sa Quezon City.

Batay sa imbestigasyon ni Pat. Joyce Almaira Vasquez ng Quezon City Police District-Police Station 13 (Payatas Bagong Silangan), dakong alas-10 ng gabi nang bumili ng pagkain ang biktima sa tindahan.

Nanghingi umano ang bata ng P10 sa kaniyang lola para bumili ng tinapay.

Ngunit kinabahan umano ang lola ng biktima dahil hindi agad ito bumalik kaya hinanap sa kalapit na lugar ngunit hindi nakita.

Alas-11 ng gabi nitong Huwebes nang umuwi ang biktima at sinabihan ang kaniyang lola na palitan siya ng underwear.

Dito na nakita ng lola ng biktima ang mga dugo sa underwear ng biktima.

Sinabi naman ng bata na dinala siya ni Padilla na kanilang kapitbahay sa kuwarto at ginawan siya ng panghahalay.