Kulong

4 na wanted bagsa bumagsak sa kulungan, di kanlungan ng CL

August 17, 2023 Bernard Galang 373 views

CAMP Olivas, City of San Fernando, Pampanga –Nahuli ng Police Regional Office 3 (PRO3) ang apat na wanted sa iba’t-ibang kaso sa sunud-sunod na anti-crime operations noong Miyerkules.

Sa ulat kay PRO3 director Brig. Gen. Jose Hidalgo Jr., naaresto ang isang alias Anna dahil sa malversation of public funds na umaabot sa P90,000 ng 301st Maneuver Company ng Regional Mobile Force Battalion 3.

Nadakip sa Nueva Ecija, Cabanatuan City ang isang kelot dahil sa paglabag sa RA 10591 ang pagsisikap ng Candaba at ng Angeles City police.

Samantala, nagsagawa ng manhunt operation ang Balanga City police sa Bataan sa Bgy. Doña Francisca na nagresulta sa pagkakahuli sa isang suspek sa qualified theft.

“Nagpapadala ng isang malinaw na mensahe na hindi isang kanlungan para sa mga kriminal ang Central Luzon,” ani Hidalgo.

AUTHOR PROFILE