4 na ‘tulak’ ng shabu timbog sa Valenzuela

June 9, 2022 Edd Reyes 126 views

KALABOSO ang apat na drug pushers o “tulak” kabilang ang isang liason agent ng online casino, matapos makumpiskahan ng mahigit P.4 milyong halaga ng shabu sa magkahiwalay na buy-bust operation sa Valenzuela City.

Ayon kay P/Lt. Joel Madregalejo, hepe ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Valenzuela Police, matagal na nilang minamanmanan ang kilos ng mga suspek kabilang ang liason agent ng online casino at isang babae na kapwa residente ng Bgy. Gen T. De Leon ng lungsod.

Sa imbestigasyon ni P/Cpl Pamela Joy Catalla, dakong alas-3:30 ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ni P/Lt. Doddie Aguirre ng buy-bust operation sa isang bahay sa Lorex Ave., Tanada, Bgy. Gen T De Leon.

Matapos tanggapin ng mga suspek ang P500 markadong salapi kapalit ng isang plastic sachet ng shabu, kaagad silang inaresto ng mga tauhan ng SDEU.

Nakumpiska ang humigit-kumulang 55 gramo ng shabu na may halagang P374,000, markadong P500 salapi na ginamit sa buy-bust, 2 cellphones at P200 cash.

Dakong alas-9 naman ng umaga nang madakma din ng kabilang team ng SDEU sa buy-bust operation ang dalawang suspek sa Sitio Kabatuhan, Bgy. Gen T De Leon at kapwa nasamsam sa kanila ang nasa limang gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P34,000, at markadong salaping ginamit sa buy-bust.

AUTHOR PROFILE