Ilegal ILEGAL–Sinisiyasat ng operatiba ng NBI ang mga nakumpiskang LPG cylinders matapos na salakayin at matimbog ang mga suspek sa isinagawang entrapment. Kuha ni Jon Jon Reyes

4 na suspek sa ilegal LPG selling timbog

March 5, 2024 Jonjon Reyes 83 views

ARESTADO ang apat na empleyado ng Sun Power LPG Gas Refilling (Sun Power) ng Bureau of Investigation-Organized and Transnational Crime Division (NBI-OTCD) sa entrapment operation dahil sa pagbebenta ng ilegal na liquified petroleum gas (LPG).

Kinilala ang mga naaresto na sina Chole Tirando Mejorada, Joshue Roque Bantoy, Markjelo Gonzales Perlata at Jill Arjhea Deleon Inocencio.

Ayon sa report, illegal na nagbebenta ng LPG ang Sun Power, na may business address sa 1031 Matungao, Bulacan, sa kanilang mga customer gamit ang tatak ng Regasco.

Narekober kay Inocencio ang 8 LPG cylinder, 11-kilogram cylinders at 5-kilogram cylinder na may pangalan ng Regasco, apat na generic LPG cylinder, tatlong weighing scale at tatlong hose na may kasamang pole.

AUTHOR PROFILE